Kwentong Dentista: dahil hindi ako barbero

Kamusta at welcome sa aking munting site.

Isa akong dentista at sa araw-araw na pakikipag-usap sa mga pasyente ay nalaman ko na madami ang may maling kaalaman o naniniwala sa mga “myth” tungkol sa pangangalaga ng ngipin.

Minsan nga ay napaka-”outrageous” ng mga paniniwala ng tao sa pag-aalaga ng ipin at kailangan kong um-effort na hindi matawa o masindak. Katulad ng isang lalaki na minumog ang sarili niyang wiwi para daw gumaling ang kanyang gingivitis. (Kuya, subukan mo muna kayang mag-toothbrush?)

Napakadami nang mga websites at blogs na nagpapakalat ng impormasyon tungkol sa dental health pero halos lahat e nasa wikang Ingles at mahirap pa ring intindihin nina Manong, Manang, Inday atbp. Kaya’t naisip ko na maiba naman para mas maintindihan ng ating mga kababayan kung paano mapapanatiling maayos ang ating mga ngiti.

Unless, gusto mong sundan ang yapak ni Rene Requiestas (sumalangit nawa!)

Maari rin kayong magtanong o magsangguni tungkol sa mga problem ninyo sa ngipin. Dito, libre ang konsultasyon hehe

30 Responses to Kwentong Dentista: dahil hindi ako barbero

  1. wahhhh help me help me natakot ako sa mga ngipen ko

    yehey. marami akong ikokonsulta.

  2. Hi Jason! At sa sarili mo pang ngipin ka natakot hehe :)

  3. hi doc! kakatanggal lang ng braces ko this May lang. i found out na may bagong system ngayon sa braces, yung Damon. Pero di ko s’ya talaga magets kung ano ang difference nya sa traditional braces. Baka pwede pong paki-explain. Saka, dapat po ba talagang sa certified orthodontist magpa-brace? Kasi dentist ang gumawa sa akin nun, di pa sya orthodontist. Thanks!

  4. @flattopsatcurlytops:
    Ang Damon brackets kasi ay tinatawag na “self-ligating.” In a way, parang siya na yung nag-o-auto adjust sa sarili niya kaya hindi ka na madalas pupunta sa dentista para magpa-adjust ng braces mo—compared to traditional brackets.

    Dahil din dito, mas mapapabilis din ang gamutan dahil nga may constant force na nag-aact sa mga ngipin mo.

    Tungkol sa kung dapat e certified orthodontist dapat ang maglagay ng brace, well, technically, ganun dapat. Kasi nga, ang mga totoong orthodontist ay board-certified (bukod pa sa board exams na pinasa nila for dentistry) and may karampatang training para gumawa ng ortho cases.

    Kung hindi totoong orthodontist pero may training on orthodontics naman ang dentista mo, maari rin naman siyang install at mag-adjust ng braces sa pasyente. Pero dinidiscourage sila na ikabit ang term na “orthodontist” sa pangalan nila whether sa calling card or sa karatula ng clinic nila kasi nga hindi sila board-certified orthodontists.

    Mas mura di hamak sa mga di orthodontists pero ingat lang kasi madaming kaso ng palpak na ortho treatment na gawa ng general dental practitioners na feeling orthodontists. Hindi ko naman nilalahat pero may mga ganoong kaso. Mas maganda na kung hindi afford magpunta sa orthodontist e pumili ng general dental practitioner na may sapat na training (usually 6 months na training with certificate ay OK na).

  5. Ano po ba ang periodontist? para sa gums po ba yun? Para kasing dapat akong magpacheck sa periodontist dahil receding gums na ako, pero pagtinatanong ko sa dentista, sabi regular cleaning dapat ang kailangan.

    Medyo naguguluhan ako, patulong naman Dr. T.

  6. dok.. bagong bunot po ang aking bagang.. pagka bunot po ng aking ngipin ay nag gym po kagad ako.. 3 araw po akung nag gygym.. hanggang sa na maga na ang aking panga pati ang aking tenga ay masakit na den.. 2lungan nyo nman po ako dahil nag sisise ako sa ginawa ko.. hindi ko po kasi alam na masama plang mag buhat ng mabigat lalo na kung bagong bunot ka.. sana po ay mapagbigyan nyo po ang kahilingan ko

  7. doc, san ba clinic mo. balak ko kasing magpa veneer.
    nagpapasta kasi ako sa harapan tapos madali naman masira. help me please.

  8. Hi doc. My name is Jayson from Pasay. What can you say about this product that I have here >> http://densonatjayson.multiply.com/

    Sa tingin nyo po ba ay makakatulong po ito sa pangangalaga ng ating mga ngipin sa pamamagitan ng tamang pag gamit?

  9. hi doc. nag pabunot ako kanina lng pero may problem. may naiwang root sa gums ko d sya makuha kase naipit sa isa kopang ipin so d n sya nakuha hinayaan n lng ng dentist. d po ba mag kaka inpeksyon ito katagalan?

  10. hi doc!!may tanong lang po ako ung isa ko pong ngipin na nasa harap ung may cavity na pina pasta ko na mga 7 to 5 mons na, na pag nalalamigan ay medyo sumasakit…pag sinisilip ko po ung likod ng ngipin gamit ang maliit na salamin parang may nakikita akong itim sa loob ng ngipin natakpan lang ata ng pasta or. hindi po kaya cavity un sa loob ng ngipin ko.. kaya kailangan ko na i pa root canal???

    pero kung halimbawa po eh kailangan ng i root canal ang teeth, pero hindi ko po muna pina root canal, pede pa ba akong mag pa lagay ng traditional braces.. tapos after how many months nalang ako mag papa root canal?? ok lang po ba un……and dun sa root canal totoo po bang kapag na root canal na un teeh eh parang mangingitim or maninilaw??

    san po pala ang clinic ninyo, saang lugay at mag kano po ang traditional braces,self ligating braces, root canal treatment, pasta at cleaning ninyo???

    salamat po sa sagot.. :)

  11. Ipa-x-ray mo muna yung ngipin, chances are baka kailangan lang tanggalin ang bulok sa loob ng lumang pasta at pastahan ulit ng bagao.

    Kung kailangan ng ngipin ng root canal treatment, dapat mauna ang root canal treatment bago ang braces.

  12. ano po ang mas maganda traditional braces or damon system…?? mas mahal po ang damon system diba?? and kapag damon system po ba eh kailangan mo pa mag punta ng dentist para mag pa adjustment….diba kasi ang damon system is a self ligating????

  13. how much po ang panoramic xray??

  14. pano po ako mag papa xray.. pano kung mag tanong sila kung bakit ako mag papa xray ng teeth

  15. Hi doc help me nman may balak ako umuwi ng pinas pr mag pa brace kasi ung ngipin ko s unahan nagkaron n sya ng gaps dahil kulang narin ung bagang ko s magkabilaan. Brace LNG po b ang sulusyon para s may gaps n ngipin sk sb nila kapag nag p brace ka kailngan monthly ka magpa check up dito po ako s Japan nakatira! Pwede po b ako magpa brace Khit hndi ko n kailngan monthly magpa check up

  16. hi doc ask ko lang po kung pag kabunot ng ipin pede na ba ako mag pasukat ng pustiso ko?

  17. hi doc… ask ko lng po kapag po ba may sira ang ngipin mo pwede pa po bang pa braces…kasi po pina pasta ko na po kaso nawala na po after ko pong pina pasta pwede ko na pong pa brace?… :*

    Thank You Po=)

  18. doc,madali po bang matanggal ang pasta ng ngipen?o gaanu po ito katagal bago matanggal?

  19. pg po b bgong bunot ng bagang normal poh b n mamaga..pki sgot poh worid lng mga iln days nmn poh kung skali?

  20. good day doc.! nabasag yung ngipin ko sa unhan at nangalahati na lang sya, i just want to ask kaya ba to ng pasta? how much it will cost kaya?

  21. doc pano un isang linggo na ako nabunutan ng ngipin sa bagang kaso ang sakit pa dn nakakailang inom na ako ng gamot ano po ba paraan para d na sumakit ngipin ko?>

  22. pde po magtanong pde pa po bang tubuan ng ngipin ang mag 16 years old na edad ???

  23. pde po magtanong pde pa po bang tubuan ng ngipin ang mag 16 years old na edad ??? nagtatanong po kac ang aking pinsan

  24. Hello po, pano po pag may sira yung ngipin tapos mgpapa-brace? anong gagawin po ng dentist dun?
    salamat.

  25. masakit po ba magpabunot nang ngipin sa bagang? un lang po kasi problem ko marami po i eextract sa bagang ko masakit po ba un?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s