Psst…gusto mo bang magpapasta sa halagang PHP 50 lang?
No, hindi chicklet ang ipangpapasta sa iyo pag ganito lang kamura ang ibabayad mo. Kung ano ang pinangpapasta na “silver” sa mga dental clinic ay yun din ang gagamitin sa iyo. Magpalinis ng ipin ba kamo? Basta’t may trenta pesos ka (PHP 30), pwedeng pwede na!
Hindi joke o prank sa Wow Mali ito. Maaring ganito lang ang ibayad mo sa mga dental schools para gamutin ka ng mga estudyante nila na nag-aaral ng dentistry. Teka, bago ka mapangiwi e sisiguraduhin ko naman na merong lisensyado at well-trained na dentista na titingin sa mga estudyanteng gagawa sa mga pasyente. Ito ay para masigurado na tama gagawin nila at hindi mapapahamak ang pasyente nila.
Ano ba ang dapat gawin para makapagpadentista ng mura sa mga dental school?
1. Magpunta sa dental school na malapit sa inyo. Importante na malapit o convenient sa inyo ang pagpunta sa mapipiling dental school. Mamaya ko ipaliliwanag kung bakit. Mas mainam kung maaga magpunta para mas malaki ang tsansa na ma-accomodate at hindi maghintay ng matagal.
2. Hanapin kung saan ang section kung saan ang klinika ng dental school. Maaring magtanong sa guard at sabihin na “walk-in patient” kayo.
3. Magpatala bilang pasyente. Kanya-kanya ng proseso ang mga eskuwelahan kung paano sila tumatanggap ng walk-in patients.
Halimbawa, sa Our Lady of Fatima University sa Valenzuela, mayroong estudyante na naatasan para tumanggap at magrefer ng mga pasyente sa ibang estudyante. Tinatawag nila itong “Officer In Duty” o OD. Kapag may pasyenteng dumating, ang OD ang bahala na mag-assign sa kanya sa isang clinician (dental student na gumagamot na ng pasyente sa klinika ng paaralan).
Kung lahat ng clinician ay may mga pasyente na para sa araw na iyon, maari kayong magpatala sa kanilang logbook. Ilalagay mo doon ang iyong pangalan, address at telepono kung saan pwede kang ma-contact ng clinician na maaring gumawa sa iyo.
4. Kapag may available na clinician, may mga forms na kailangan mong sagutan. Kadalasan, hinihingi ang iyong contact details, mga gamot na iniinom, allergies, karamdaman (kung meron man), huling pagpunta sa dentista, etc. Dapat ay maging tapat sa pagsagot sa mga tanong na ito dahil lahat ng iyon ay importante sa iyong gamutan.
5. Kapag natapos na ang form ay sisimulan na ang oral examination. Huwag mag-alala, hindi ka patatayuin para i-recite ang Panatang Makabayan o ang buong multiplication table. Ang ibig sabihin ng oral examination ay titingnan ng clinician ang loob ng iyong bibig para maitala ang mga ngipin na OK pa, may sira at mga ngipin na natanggal na sa iyong dental chart. Pagkatapos ay isang mas mabilis na oral examination uli pero Professor o Clinical Instructor (CI) na titingin sa iyo. Ito ay para masigurado na tama ang mga pinagsusulat ng clinician mo sa dental chart.
6. Pag tama naman ang nakita ng CI, magrerekumenda na sa iyo ang clinician ng mga dapat gawin sa ngipin mo –kung linis, pasta, bunot o pustiso.
7. Pag OK na lahat ay maari nang simulan ang gamutan ayon sa pagkakasunod-sunod sa iyong dental chart. Pero wag, masyadong ma-excite. Hindi lahat ng kailangang gawin sa iyo ay magagawa sa araw ding iyon. At dahil sa eskuwelahan gagawin ang gamutan, mas matagal ang proseso kesa sa paggawa sa isang pampribadong klinika dahil kailangang i-check pa ang natapos na gamutan ng CI.
Ang pagpapagamot sa mga dental school ay nangangailangan ng pasesnya at madaming bakateng oras sa parte ng pasyente. Gaya ng sabi ko, mas mahaba ang proseso ng gamutan at maari kang pabalikin ng ilang beses, depende sa prosesong ginawa sa iyo. Halimbawa, ang linis ng ngipin sa isang pampribadong dental clinic ay nagtatagal lamang ng 30 minutos. Sa dental school, siguro mga 1 hanggang 2 oras, kasama na ang pagfill-up ng mga forms, oral exam at ang aktuwal na paglilinis ng ngipin. Kailangang ka ring bumalik kung sakaling sobrang dami ng tartar na kailangang tanggalin o sobrang maga ng iyong gilagid.
Kaya nga importante malapit at madali sa iyo ang pagpunta sa dental school kung saan mo gustong magpagamot para mas madali sa iyo na bumalik kung kinakailangan.
Pero mahaba man ang proseso ng gamutan ay sobrang mura naman ang presyo ng mga serbisyo sa dental school. Ang linis sa pampribadong dental clinic ay nasa PHP 400 pataas, pero sa dental school ay PHP 30 o minsan ay libre pa! Higit sa lahat, sigurado ka na pulido ang pagkakagawa sa iyo ng clinician, kung hindi ay siguradong lagpak siya!
Ang mga listahan ang mga ilang dental school sa Maynila na tumatanggap ng pasyente ay ang mga sumusunod:
1. CEU School of Dentistry – Dent-Sci Bldg. Mendiola St. Manila (Tel. No. 735-6861 to 71 loc. 214)
Maaring sumakay ng LRT 3 at bumaba sa Legarda Station. Madami ring jeep at bus (biyaheng Cainta-Quiapo tulad ng RRCG at G-Liner) na dumadaan dito.
2. UE College of Dentistry – Gastambide St. Manila (Tel. No. 735-85-38)
Pwede ring sumakay ng LRT 3 at bumaba sa Legarda Station. Pwede nang lakarin mula dito ang UE College of Dentistry sa Gastambide St. Gaya ng CEU, madami ding jeep at bus na dumadaan dito.
3. Our Lady of Fatima University – McArthur Highway, Valenzuela (Tel. No. 293-27-03 to 06
Pwedeng mag LRT 1 at bumaba sa Monumento Station. Sumakay ng jeep pa-Valenzuela at magpababa sa “Fatima University”
4. MCU – PGT Bldg. MCU EDSA Caloocan (Tel. No. 364-1071 Local 156)
Pwedeng sumakay ng LRT 1 at bumaba sa Monumento Station. Maaring lakarin na ang MCU o sumakay ng jeep pa-Cubao pero maging alisto at baka lumpas ka kasi ilang tumbling lang ay nasa MCU ka na.
5. UP Dentistry – Pedro Gil corner Taft Ave. Manila (Tel. No. 302-3983)
Maaring mag LRT 1 at bumaba sa Pedro Gil Station. Makikita na ang kolehiyo mula sa istasyon ng LRT. Kahilera ito ng PGH. Maari ring sumakay ng jeep, bus o FX na biyaheng Taft Ave. o PGH.
May mga ospital din na tumatanggap ng mga pasyente para sa libre o mas murang gamutan. Ang ilan dito ay:
1. PGH Department of Hospital Dentistry – PGH OPD Rm. 230 (Tel. No. 5548400 Local 5220/5230)
Ang PGH Dept. of Hospital Dentistry ay tumatanggap ng mga pasyente para sa bunot, at mga kaso na nangangailangan ng dental surgery tulad ng pagtanggal in impacted na wisdom tooth. Ang pagpunta dito ay katulad lang ng sa UP Dentistry.
2. Ospital ng Maynila – Quirino Ave. Manila (Tel. No. 524 6063)
May nakapagsabi na libre daw ang magpabunot o magpatanggal ng wisdom tooth dito pero kailangan mong magbigay ng “donation.” Kung mgakano man ang donation ay hindi ko alam pero malamang ay hindi naman kasing taas ng pagpapatanggal ng wisdom tooth sa pribadong klinika.
Maaring sumakay ng LRT 1 at bumaba sa Quirino Station tapos ay lumakad o sumakay ng pedicab pa-Roxas Blvd. Pwede ring sumakay ng jeep biyaheng Harrison Plaza via Mabini. Malapit lang ito sa Manila Zoo.
Para sa mga gusto naman makamura sa pagpapa-braces, maaring pumunta sa:
UP College of Dentistry Graduate School (Orthodontics) – Padre Faura, Manila (Tel. No. 526-2296 TO 97)
Halos katapat lang ito ng Robinson’s Place Manila Faura Wing. Maaring sumakay ng jeep, FX o bus na byaheng Taft, PGH. Bumaba sa Padre Faura at maaring lakarin na ito. O mula Taft ay sumakay uli ng jeep byaheng Sta Ana/ Pedro Gil. Bumaba pagkatapos ng DOJ. Katabi nito ang Graduate School for Orthodontics.
Ang mga gagawa sa iyo ay mga lisensyadong dentista na nagsasanay para maging espesiyalista sa orthodontics. May bayad ang pagpapagamot dito pero di hamak na mas mura kesa magpabraces sa pribadong dental clinic.
Malaking tulong ang pag post ng mga ganitong impormasyon.
Ipagpatuloy!
@Kwentulang Marino: Salamat sa pagdaan!
opo tama si Kwentulang Marino!
more power!
aba! salamat sa impormasyon! this is my top post for the week! ayos!
Salamat sa impormasyon…gud job!
may braces ako, usually hindi tumatanggap ang mga dentist pag nailagay na yung braces. gusto nila tanggalin ulit at sila ang mag sstart. problem is, gastos na naman. what if matatapos na na tulad nung sa akin. buti na lang i was referred to someone na ok lang sa kanya. yun lang =P
@hitokirihoshi: Thank you sa pagdaan at sa pagsama sa akin sa iyong Blogroll
@rllqph: thanks
@tadonggeniuskuno: thanks din
Nabasa ko yung post mo sa iscramble…grabe P10 yung maliit then P25 yung malaki? Grabe, P2 lang yun nung panahon ko hehe. I’m sooo getting old
@hisnameisdencios: Salamat sa iyong pagshare sa iyong experience sa braces. Dahil sa sinabi mo ay nainspire ako na magsulat ng post tungkol sa mga ortho (braces) transferee patients.
abangan ko yan Doc =P
Thanks
salamat din sa pagbisita sa aking humble blog…pde ba i-reblog tong post mo Doc?
@tadonggeniuskuno: Pwede kang gumawa ng parang introductory blog then provide a link na lang to this article. Salamant po!
@hisnameisdencios: as draft na hehehe
okidokidoc…thanks po
wow!! interested poko sa orthodontics.. thanks to this information.. Go go ako dian=)
@yeng: Go! Contact mo na UP ortho
meron po ba kau alam na mga charity na ngbbgy ng libreng pustiso
Occasionally may mga programa ang mga NGO para magbigay ng libreng pustiso pero subject to screening ang bawat pasyente. Kung hindi kumplikado ang kaso ay pwedeng magawan ng libreng pustiso ang pasyente. Nakita ko nang ginawa ng GMA 7 yan dati. Pwede kang mag-inquire sa kanila kung meron silang susunod na project tulad nun.
Sa mga dental schools, may bayad pero sobrang mura. Sa isang dental school sa Maynila, ang full dentures ay nagkakahalagay lamang ng P800, sa pribadong clinics e P10,000 ang gagastusin mo.
buti nalang napadaan ako dito, balak ko talaga pumunta sa cue para magpalinis ng ngipin. pede kaya after ng linis eh sunod na rin ang bunot then pustiso na rin, yung inplant sana kasi ayoko maging bungal ng ilang araw.. pede po kaya yun sa loob lang isang araw?
Dipende sa sistema ng dental school na pupuntahan mo. Gaya ng sabi ko, kailangan ng pasensya pag nagpapadentista sa mga dental schools dahil may proseso na sinusunod bago simulan ang gamutan. Bukod pa doon, estudyante pa lang ang gagawa kaya i-expect na medyo matagal kesa sa private clinics, tsaka iche-check pa yun ng CI o ng teacher nila.
Most likely, hindi kaya ng isang araw ang lahat ng procedures na gusto mo.
Ang implants naman, hindi basta-basta naglalagay nun at hindi siya available sa lahat ng dental schools. Kung gusto mo talaga ng implants at pang-implants ang kaso mo, maari kang magtanong sa St. Jude Hospital Dept. of Dental Medicine kung tumatanggap sila ng pasyente para sa mga nag-aaral ng implantology sa kanila. Hindi ko sure kung libre pero malamang mas mura kesa sa pribadong klinika.
@Doc T salamat po sa inpormasyon na inyong ibinigay malaking tulong po ito saan kayang schools ang nagaacept ng ng tooth extension naaksidente kasi ako doc naputol ung 4 upper front teeth ko di ako tuloy makangiti
Ira, kung buhay pa yung ngipin mo, pwedeng pastahan or lagyan ng jacket crowns yung mga ngipin niya para mabuo uli ito. Depende sa laki ng putol sa mga ngipin kung kaya ng pasta o dapat e i-crown na.
Pero kung makita na deads na ang mga ngipin mo sa trauma na natamo nito mula sa pagkaputol e maari naman itong i-root canal treatment.
Lahat ng mga binanggit kong procedure ay maaring ipagawa sa mga dental schools. Pili ka na lang ng dental school na malapit sa iyo.
Sa CEU po sana balak kong pumunta, is it true that may free meal daw and yung patient pa ang babayaran after ng procedure?
About sa denture, ano po ba ang pinakamaganda or mas matibay na material for that matter?
sorry po sa mga tanong, first time ko kasi magpapapustiso eh and i want it good.
Nice
salamat po doc naginquire na po aq sa ceu inisked na po nila aq for xray of my tooth next week
ung dentist head sbi eh baka nga tooth extension ang gawin sakin
pano po ba procedure nun?
mabait naman sila kaso problema buong klase manuod pag sinimulan na yung operation sa ngipin ko eh
Ang term na “tooth extension” ay maaring tumukoy sa maraming dental procedures. Ang pagpapahaba ng ipin sa pamamagitan ng pagpasta, paglagay ng crowns ay pwedeng ituring na “tooth extension.”
Ganun talaga minsan, buong klase ang kailangang mag-observe pag may mga interesting cases sa dental school. Maari ring kunan ng pictures at video ang procedure para mapag-aralan ng mga estudyante.
may mga dental school po ba na tumatanggap ng wisdom tooth extraction
Try mo tawagan ang mga dental school sa taas. Pwede rin sa PGH Department of Hospital Dentistry.
ang galing. elibs! detelyado! (=
nice po! thanks for sharing those info’s
my concern is, magpapa-braces po ako this july, nagpa-xray na ako and they found out na I have 3 impacted tooth na dapat tanggalin. 2 sa taas and 1 sa baba which I think is a wisdom tooth. I have searched on the net ang mga costs nya and nakita ko na may kamahalan xa (specially for wisdom tooth extraction). Kaya ba’ng gawin ng mga dentist (licensed or aspiring) ito na nasa school of dentistry?
thanks!
Yes, kaya ng mga senior dental clinicians na magtanggal ng impacted wisdom tooth. In fact, isa yan sa mga requirement nila para maka-graduate.
tnx sa info…
kaso d2 nman ako sa bulacan…
gastos din sa pamasahe… pero gusto ko tlga kc mura lng…
narinig ko n nga ganitong info yrs ago pa…
^^
Baka naman may mura diyan sa Bulacan? Kung simpleng linis at pasta, lugi ka nga sa pamasahe. Pero kung tipong root canal treatment o bridge/ jacket e mas mahal talaga sa private clinics.
at long last after more than 2 months of going to CEU manila
, then the PASTA for my 7 tooth.. my favorite part of all, dahil dun sa super CUTE and HOT iranian clinician ko ( 5 meetings, class 1 & class 3 ) 
natapos din lahat ng dental procedures sa akin.
First was OP (1 day only), next is the ENDO w/c takes 4 meetings to finish ( i hate this one b’coz it hurts especially that rubber dam thing)
And the last was the RESTO for my upper front tooth (the one that has been endo). and since na walang pang dental implant sa CEU they advised me to have a JACKET instead . (it takes 5 meetings )
Well.. thats the end of it.,
thanks alot Doc T for now i have a wonderful smile.
ps.
it does’nt costs me a single peso.
aq n cguro mgpapa2nay n mgnda tlga s mga dental schools ou ngat my ktglan ng arw ngut sult at mgnda ang resulta ng akng ipin,5 yrs old plng aq ng ngng studynte aq ng MCU,pnasta,bnunotan aq ng studynte un,ngun 20 n aq ngun, halos labng limang taon n nkklipas, and2 pdn s ngpin q ang pasta nya,mhusay,! gs2 q xna muli bmlik ng MCU para mkpgpcheck ult ng ngipin,nd q mtaandaan ang knyng pngln dhl bata p qnun,batch 1995,slamat po
How much kaya ang pabraces po? Like ko kasi magpabraces, can you give me more informations about this po? tnx
Depende sa doctor na gagawa e. Private dentists charge may range from 30thou to 100thou up.
I mean ganun din po presyo 30K – 100K sa mga nasabing unibersidad niyo po (above information)?
Kung sa UP Graduate school, mas mura. Last time I checked, around 20thou++
Hi doc T, nakabrace po ako,1 year na po, yung upper (right)first molar ko po nilagyan ng temporary pasta nung 3months palang po ng treatment ko, hanggang ngayon di parin po sya inaayos pero matibay pa naman po yung temp.pasta nya. Ang tanong ko po pwede ko po ba sya ipa root canal sa mga dental school na nabanggit nyo kahit under po ako ng treatment ng Orthodontics ko? gusto ko din po kase makatipid. Hindi po ba yun nakakahiya sa ortho ko? Matagal ko na po kase problem tong (right) upper first molar ko kahit nung wala pa po akong brace lagi sya sumasakit, nakita ko rin po na hindi pantay ang cheeks ko pag tumitingin ako s mirror dahil laging s left lang po ako nakakapag-chew ng pagkain dahil nga po yung right side nangingilo at sumasakit. Tapos ngayon po kahit may temp.pasta sya kapag nahihipan po ng hangin (yung ginagamit po ng dentist, di ko po kase alam tawag dun eh) may nararamdaman parin po akong sakit gaya ng pangingilo.
Doc, i need your advice? lalo na po dun sa hindi po pantay ang cheeks ko yung right po medyo mataba.
THANK YOU PO INADVANCE!!!
Doc, before twice a year ako mag pa-dental sa hospital kung saan nag wwork ang nanay ko. then yung last ko is when i was in college na. binunutan ako na may period ako. grabe ang bleeding at sobrang sakit na feeling ko hnd tumalab ung anesthesia. ung ginawang pasta sakin ay nabulok lang ang ngipin ko. since then hnd na ko nakabalik ng kahit saang dent clinic dahil na-trauma ako.
ask ko lang po sana if pwede po ba mag pabunot ng sabay2 and pasta? 2 wisdomtut lower jaw then ung sa right na wisdom ktabi nya bubunutin dn po. sobrang sakit po ba magpabunot ng wisdomtut? natatakot po ako e. hehehe
grabe ang galing mo doc..
i love this blog…
Doc, familiar ka ba sa mga dental clinics sa Gastambide-UE, narinig ko na meron pagawaan ng pustiso dito na mura-P800.00 full dentures na?
Baldo, malamang dental technician ang gagawa nun. Isa lang ang masasabi ko: “BEWARE!”
guys help naman.. may alam ba kayo saan nakakabili ng denture cleanser tablets like POLIDENT or other brand. need ko lang..tnx
Sa Watson’s minsan meron or sa SM supermarket. Kung wala ay maari kang magpa-order sa iyong dentista.
my kaibigan po ako na pustiso kaso gusto nya na ngipin lang magkano po ba dw ang pagpapabaon ng ngipin! help my friend plsssss.,
ask ko lang po kung gumagawa din sila ceramage crown/bridge . ? at magkano nman po per unit?
thanks!
i really cant believe it is free! nagulat pa ako na nagbibigay sila ng money sakin pamasahe daw wth hindi ko inaccpt, parang baliktad ata nangyare haha…masaya na akong maayos ngipin ko…nga lng tlga need patience…some procedures may take 3 meetings etc etc depends on the problem xD…buti mabait ung iranian na umasikaso skin binigyan ako ng medical certificate haha excuse ako sa mga absent ko sa school
thumbs up to :3
ganda nung ni Ms Park sa UE CoD…go UE ^_^
tatanggap kaya sila ng removal ng impacted wisdom tooth sa UP Graduate School? Ilang araw nang namamaga ang gums ng asawa ko at hindi naman covered ng HMO namin ang surgery na ito. sana pwede.
thanks for this entry! super helpful! natuwa din ako sa list nyo ng pedia dentists kasi mukhang kailangan nang dalhin ang anak ko sa pedia dentist, e hindi rin covered ng HMO namin yun.
Ang UP Graduate School ay para sa orthodontics or magbabalagay ng braces lamang. Paki-try sa PGH Dept of Hospital Dentistry. Pwede din sa UP College of Dentistry. Take note na lahat ng mga nasabing institusyon ay may opisina tuwing weekdays lamang.
Ano po bang schools na 5 years lang ang dentistry
) except UP
ano po ba ang pwedeng gawin para mareplace yung 3 rows in a row kong molar na bad teeth
mag kano po ba ang pustiso
hi doc, ask ko lng po problema ko po kc itong front teeth ko sungki po di po ako mkpag smile ng maayos nahhiya na po tlga ako kso nman po di ko nman po affored mag pa braces any advice?i dont hve enough money kc po sobrang mahal mron po bng student ng destistry na nagkkbit ng libre o sobrang mura lng help me doc
HI doc san po pde makalibre ng pa-root canal, wla tlga budget ehehe, or khit pinka mura na pang root canal mga around 500-1k lng..meron ba sa mcu or fatima? or sa UE lng tlga pg root canal? tnx a lot! tc alwyz doc
hi gidz…i can feel you. we have the same problem. luckily, I was able to have a contact to UE post grad clinic. They offer RCT for just 700php per canal by a licensed endodontist. you can contact them through this link
http://www.sulit.com.ph/index.php/view+classifieds/id/4110573/COSMETIC+PASTA%2C+ROOT+CANAL+TREATMENT+AT+AFFORDABLE+PRICE?referralKeywords=root+canal+cost…..I‘ll go there tomorrow.wanna come?I’m sarah reyes, i commented also below…
hello asko ko lang po kung san meron na murang maningil na dentista?nakatira po ako sa q.c.hope matulungan nyo ako para maayos ang ngipin ko at sa anak ko.salamat po god bless
hi docT, ask ko lang po kung meron po kayong ma-e-rerefer na ortho-dentist na taga UP-Dentistry Graduate school, gusto ko pa sana mag pa brace doon, dahil din po sa budget kaya di ko magawa mag pa-brace kaagad. sana po ay may kakilala po kayo para sa kanya po ako pupunta sa UP graduate school of dentistry. thank you po
Hi doc. T!! Gusto ko po sana magpa brace ng mura dhil din po sa budget . Ngayon ko LNG po nalaman na mas mura po pala pag sa school of dentistry. San po kayang school na magaling mag ortho? Nsa magkano po kaya? Gusto ko po sana ng madalian Kasi nhhiya ndin po akong mag smile dahil sa sungki ko po. Ska gusto ko din po mag aral ng dentistry NSA ilang years po ba at mahal po ba ang course na Ito? Un LNG po salamat! More blogs to come po Godbless!
doc….ansakit po ng left central incisor ko. auko mag pa root canal xe sabi rurupok daw ung teeth at mag kacrack..e front teeth to prone sa crack. what should i do?
hi doc gueto ko po sana papalitan ang pustiso ko kc maluwag n at me 2 bubunutin pa jacket po yung baba kong teeth pero hiblood ako pwede dn b ako sa mga nabanggit nyo n school of dentistry d ba delikado im 43 yrs old na po try ko sana s mcu thx doc
thx doc hope you answer me back
dear from ceu destist school
gusto ko po sana mag papastiso sa inyo kadahilanan wala po ako pag gastos pag pustiso mahirap lng po kasi ako..gusto ko po sana mag papustiso sa inyo upper and lower sana po matulungan nyo ako para po maka hanap na ko ng work.kasi yun po ang isa ko problema at lagi po ako pinipintasan ng mga frind ko na mabaho ang hininga ko at bungal syempre bilang lalaki masakit para sa akin yun at hindi ko po matulungan ang pamilya ko dahil sa ngipin ko at isa po sa requirement sa pag aaply ko sa work sana po matulungan nyo ako kung sinu man po maka tulong sa akin tatanawin ko po utang na loob na mag paustiso sa akin,,ito po ang aking contact number 09219771895..at ito po ang facebook ko dave_david0922@yahoo.com paki email lng po ako at pupunta po agad ako sa inyo tanggapan po maraming po salamt sa inyo.
libre kaya dun walang bayad dun graduate pinsan ko ng dentistry
tandaan nyo..sila namagbayad sau at pa meryenda pa
hi doc! ask ko lng po kung gumagawa din ung mga dental skul sa mga pedia patient? yung 3y/o son ko po pinatingnan namin sa PDCP kaso nsa 40k ang cost… my dental caries po kc sya and need n dw po bunutin ung upper teeth nya…
Need Help naman po saan po o sino po nakakaalam na mayroon libre pustiso pra namn po sa mother ko. sobrang ndi n na po nmin afford ang mag papapustiso kya po aq ay naghahanap ng my mabuting kalooban na nag papa pustiso. para sa mother ko kc naawawa na ako sa kalagyan nya at khit gusto ko sya pagawaan ng pustiso ndi ko nman po magawa. paki email nlng po aq maraming salamt po.
ask ko lang san me pwd me dental school kc sabi ng dentist kelangan me i root canal at jacket magkano kaya un ala kc me budget taga cavite p me para may idea ako kung mgkano saka magkano magpapustiso