MAY 2012 DENTAL BOARD EXAM RESULTS

Ilang araw pagkatapos ng practical exam para sa mga nagnanais maging dentista, inilabas ng Board of Dentistry ang resulta ng nakaraang MAY 2012 Dental Boards Exam.

Para sa kumpletong listahan, pumunta lamang sa website na ito: updentreview.com May 2012 Dental Boards Results

Online Dental Boards Review — Handa ka ba dito?

Para sa mga wannabe dentists alam ko na madami kayong ginagamit upang maghanda sa nalalapit na Dental Board Examinations.

Merong mga minemorize na ang alamat na Wells, may iba na halos itabi na pagtulog ang mga piniratang kopya ng Dental Decks habang nananalanging masinghot nila ang mga tanong at sagot para di nila basahin ito isa-isa. Continue reading

Dentistry Refresher Course–Ano Ito?

Para sa mga nagnanais maging Dentista, may mga qualifications para pahintulutan kayo na makapag-take ng Dentistry Board Examinations. Hindi porket nakapagtapos na kayo ng kursong Dentistry ay automatic na pwede kayong kumuha ng Board Exam. Continue reading

December 2010 Dentistry Board Exam Results

Nadagdagan na naman ang mga dentista sa Pilipinas! Mula sa 787 na kalahok— este kumuha ng boards ay 251 lamang ang nakapasa sa nakaraang Dentistry Board Exam.

Karamihan ng pumasok sa Top Ten ay mula sa University of the Philippines – Manila. Sana magpa-party naman ang dekano nila😀

Eto ang kabilang sa mga topnotchers:

  1. Pia Briones (UP Manila) – 85.12%
  2. Leonida Garcia (UP Manila) & Jefalyn Mae Garcia (University of Baguio) – 84.04%
  3. Dindo Rabino (UP Manila) – 83.67%
  4. Ariane Sadiang-Abay (UP Manila) – 83.33%
  5. Ma. Fatima Dolor (UP Manila) – 83.24%
  6. Adrianne Gomez (UP Manila) & Joanna Bless Yap (Cebu Doctors) – 83.18%
  7. Katrina Lo (UP Manila) – 83.17%
  8. Roxanne Donato (UP Manila) – 83.10%
  9. Ulysses Patalinghug (UP Manila) – 82.84%
  10. Reuel Beatriz (AUP) – 82.65% Continue reading

Wannabe Dentist Uli: Dental Board Exam Helpful Tips

Congratulations at natapos mo na rin ang kursong dentistry!

Mapa-Cliffhanger (as in sabit lang sa mga grumaduate dahil puro pasang-awa ang grade), Magna (magna-9 years binuno ang pagkuha ng kursong Dentistry imbes na 6 years lang) o Summa (sumakabilang buhay na ang ibang professors e hindi ka pa rin graduate) ka man ay sa wakas, iiwan mo na ang masalimuot na buhay bilang isang Dentistry student.

So akala mo e tapos na ang paghihirap mo ay eto’t magsusubsob ka na naman sa kaka-aral para sa Board Exam. Akala mo, pahinga ka na ano? Well, you thought wrong bwahaha (kulog, kidlat sound effects here).

Continue reading

Dentist in Training

Nakapasa ka na sa board exam. At pagkatapos mong mag-take ng oath sa Manila Hotel at kumain ng malamig na fried chicken, pansit at siopao—congratulations, isa ka nang ganap na dentista.

So ano na ngayon?

Siyempre maghanap ka na ng trabaho. Or kung isa ka sa mga mapalad na bibiyayaan nina “Mama at Papa” ng bagong dental clinic e mag-umpisa nang maghanap ng kontratista at interior decorator. Sa mga madlang people na inexhaust na ang bulsa ng mga magulang nila sa mahal ng tuition at gamit sa clinics (isama mo na ang kickback mo para makabili ng bagong IPhone), I’m sure kating-kati na ang palad ng mga magulang niyo na matikman ang una mong suweldo.

Naalala ko nung pumasa ako sa board exam (not too long ago), ang sabi ng tatay ko: “Tapos na ang lingguhang holdapan.”

Ang sabi ko naman: “Tapos na ang maliligayang araw.” Sabay tingin sa aking Smart (Not-So) Amazing Phone dahil alam kong matagal-tagal kaming magsasama dahil hindi na ako makaka-kickback.😦

Continue reading

May 2010 Dental Board Exam Results

Congratulations sa mga bagong Dentista!

Special congrats kina:

Dr. Katherine Abeleda

Dr. Abegail Balboa

Dr. Lari Adao

Dr. Jane Dayag

Dr. Sheila Dee

Dr. Christine Modina

Dr. Charlene Quiaoit

Top Ten Dental Board Passers:

Continue reading

Braces: To be continued…

Ang post na ito ay inspired sa comment ng isa nating reader na si hisnameisdencios (Yihee, special mention!).

Ayon sa kanya:

“may braces ako, usually hindi tumatanggap ang mga dentist pag nailagay na yung braces. gusto nila tanggalin ulit at sila ang mag sstart. problem is, gastos na naman. what if matatapos na na tulad nung sa akin. buti na lang i was referred to someone na ok lang sa kanya. yun lang =P”

May mga ilang pasyente na rin ako na nagtanong kung anong pwedeng gawin kung sakaling hindi na matuloy ng kanyang dentista ang pag-aayos ng kanyang ngipin na may braces. May mga iba na maayos namang sinabihan ng kanyang dentista na hindi na nito maiipag-patuloy ang paggamot sa kanya pero yung iba ay biglang naglaho na lang yung dentista na parang bula.

Ano ba ang dahilan kung bakit hindi naiituloy ang orthodontic treatment (panggagamot gamit ang braces) sa isang pasyente.

Continue reading

Tips para makatipid sa pagpapadentista

Psst…gusto mo bang magpapasta sa halagang PHP 50 lang?

No, hindi chicklet ang ipangpapasta sa iyo pag ganito lang kamura ang ibabayad mo. Kung ano ang pinangpapasta na “silver” sa mga dental clinic ay yun din ang gagamitin sa iyo. Magpalinis ng ipin ba kamo? Basta’t may trenta pesos ka (PHP 30), pwedeng pwede na!

Hindi joke o prank sa Wow Mali ito. Maaring ganito lang ang ibayad mo sa mga dental schools para gamutin ka ng mga estudyante nila na nag-aaral ng dentistry. Teka, bago ka mapangiwi e sisiguraduhin ko naman na merong lisensyado at well-trained na dentista na titingin sa mga estudyanteng gagawa sa mga pasyente. Ito ay para masigurado na tama gagawin nila at hindi mapapahamak ang pasyente nila.

Ano ba ang dapat gawin para makapagpadentista ng mura sa mga dental school?

Continue reading

Wannabe Dentist: The Bottomline

Sa nakaraang post na “Wannabe Dentist” nabigyan ko na kayo ng ideya sa mga iba’t ibang dental schools sa Maynila.

Ngayon, ang tanong pa rin e anong pinaka-OK na piliin na kolehiyo o unibersidad?

Kung desidido ka na Dentistry ang gusto mong kunin sa college, mas maganda kung magpasa ka ng applications sa at least 3 sa mga iskuwelahan na tinukoy ko. Kung sa Maynila ka na talaga nakatira, dapat ikunsidera ang layo o lokasyon mo sa kolehiyong pipiliin mo.

Tingnan mo rin ang performance ng mga nasabing iskuwelahan at ang passing rate nila sa dental board exams. Kadalasan makikita ang passing rate kasabay ng anunsiyo ng PRC sa mga nakapasa sa dental board exam.

Continue reading