Wannabe Dentist

Pangarap mo bang maging Dentista?

Ano nga ba ang pwede kong i-payo sa mga balak mag-aral ng dentista bukod sa mag-isip ng isang milyong beses? Hehe. Para sa inyong kaalaman, hindi lang utak kundi sangkatutak na tiyaga at pasensya ang kailangan para matapos mo ang kursong Dentistry.

Bukod sa pag-susunog ng kilay e kailangan mo ng tiyaga para mag-practice magprepare ng pasta, linisin ang kasulok-sulokan ng ngipin at maghintay sa mga pasyente mong madalas mang-Indyan. Kung ako ang tatanungin, mas madali pa ang mag-Medicine kesa mag-Dentistry. Alam ko na magkakaroon ng violent reactions mula sa mga doktor ng medisina pero bago niyo ako kuyugin e i-try nyo muna maging dental student muna. Sa pag-aaral ng Dentistry, hindi lang sa’yo nakasalalay ang pagpasa o pagbagsak mo kundi sa mga pasyente mo lalo na sa Clinical years ng kurso na ito.

Bukod pa dun, kahit matalino ka e hindi sure shot na papasa ka kahit talunin mo pa IQ ni Einstein. Dapat magaling din ang iyong mga kamay para pumasa ka sa mga practical subjects. Kaya nga ang ibang mga dental schools ay nagbibigay ng dexterity exams para masukat ang kontrol at galing ng iyong kamay na kailangan para sa pagsasanay maging dentista. Kung matindi ang pasma mo sa kamay, mukhang kailangan mong mag-isip ng ibang karerang papasukan.

Bukod pa sa hirap ng utak at kamay, hirap din ang bulsa ni nanay at tatay dahil sa mahal ng tuition at mga gamit na kailangan sa pag-aaral. Pero worth naman ang pagbili ng mga gamit na ito kung itutuloy mo ang pagdedentista dahil tiyak na magagamit mo pa rin ang mga ito kahit nasa private practice ka na.

Kung desidido ka na talagang mag-aral maging dentista, kailangan mo nang mag-“school hunting.”

Maraming nagtatanong kung ano ang pinaka-magaling na dental school sa Pilipinas. Hmm…mahirap atang sagutin ‘yan nang hindi nagiging biased sa kolehiyong pinanggalingan ko.

Bago tayo mapunta sa paksang iyan ay alamin muna natin ang iba’t ibang paaralan na may kursong Dentistry. Eto ay ang mga sumusunod:

METRO MANILA

Centro Escolar University – School of Dentistry

2nd Floor Dent-Sci Bldg.
Centro Escolar University
9 Mendiola Street,
San Miguel, Manila

Tel. No. 734-2073; 735-6861 to 71 loc. 214

Ang CEU ay kilala sa kursong Dentistry. Kung dito ka mag-aaral, maraming mga dental store at dental laboratory na malapit dito kaya kahit papaano e magiging convenient sa iyo na makahanap ng mga gagamitin mo sa pag-aaral.

Mga Requirements:

1. 5 1½” x 1½” ID pictures

2. Original Form 138 o HS report card

3. Good moral character mula sa HS principal

4. NSO copy of birth certificate (original and photocopy)

5. Certificate of Eligibility (kapag nakapasa na sa entrance exam)

*Kailangang mag-apply para sa entrance exam sa Counseling and Testing Department or CTD (3F Sofia De Veyra Hall). Doon ay bibigyan ka ng application form. Sagutin it at isubmit kasama ng iyong poging-pogi at cute na cute na ID pictures. Bibigyan ka ng schedule ng examination at room assignment. Bayaran ang fee para sa eksaminasyon at bumalik sa takdang araw ng entrance exam.

University of the East – College of Dentistry

2219 C.M. Recto Avenue, Manila 1008, Philippines
Phone: (02) 735 5471 loc. 327 and 328

Tulad ng CEU, sikat din ang UE sa kursong Dentistry. At tulad ng CEU ulit, madaming dental stores at dental laboratory sa paligid ng UE campus. Madami ding mga dorm at madali itong puntahan sakay ng mga pampublikong sasakyan tulad ng LRT 2.

Ang mga requirements sa pag-aapply sa UE ay nasa kanilang website.

May mga nagsasabi na mas-OK daw ang UE kesa sa CEU. Hmmm…no comment ako diyan.

Our Lady of Fatima University

120 McArthur Highway,
Valenzuela City, Philippines
Phone: (02) 293 2703-06; 2931636 loc. 130
Fax: (02) 291 6504

Kumpara sa dalawang naunang institusyon na nabanggit, matatawag na newbie ang Fatima sa larangan ng Dentisty. Pero ‘wag ismolin dahil sa mga unang taong ng dental program nila ay 100% passing sila sa Dental Board Exam. May ilang beses pa na sa kanila nanggaling ang topnotcher.

Medyo malayo nga lang sa sentro ng Maynila ang campus nila. Pero kung nakatira ka sa bandang norte tulad ng Valenzuela e swak sa iyo ang lokasyon nito.

Ang mga requirements para sa admissions nila ay makikita dito: Fatima University Admissions

Emilio Aguinaldo College

1113-1117 San Marcelino St., cor. Gonzales St.
1000 Ermita, Manila, Philippines

Tel. No. 521-2710 local 5371/5321

Naitatag EAC-School of Dentistry noon lamang 1992 kaya’t masasabing bagito rin ito sa larangan ng Dentistry.

Nitong mga nakaraang taon, nai-tsismis sa akin na madami-dami daw ang mga foreign students dito, pawang mga Koreano na gusto ditong mag-aral ng Dentistry.

Medyo may kaliitan ang kolehiyo na ito kaya’t kung nangangarap ka ng sprawling greens na mala-Harvard e sorry ka na lang. Karamihan din ng mga nagtuturo dito ay nagtapos sa UP at UE.

Ang requirements for admission ay makikita dito: EAC Admissions

University of the Philippines – Manila

Pedro Gil Cor.Taft Avenue, Ermita Manila

Tel. No. 302-6360; 302-3983

1915 pa lang ay nag-ooffer na ng kursong Dentistry ang UP. Eto lamang ang pampublikong paaralan sa Pilipinas na may kursong ito. At dahil pampubliko, mas mura ang tuition at subsidized ng gobyerno ang ilan sa mga gagamitin ng mga estudyante dito.

Sinasabing ang UP ang “best dental school” sa Pilipinas dahil pawang mga matatalino lamang daw ang nakakalusot sa entrance exam ng unibersidad na kung tawagin ay UPCAT. Hmmm, ayokong i-confirm at ayoko rin namang i-deny.

Ang admission requirements ng UP College of Dentistry ay makikita dito: UPCD Admissions

Ang iba pang dental schools sa Maynila ay ang mga sumusunod:

Manila Central University

Ground Floor, Purificacion G. Tanchoco (PGT) Building
Telephone Number: 364-1071 Local 156

Admission Requirements: http://www.mcu.edu.ph/main2.htm

University of Perpetual Help System Dalta

Alabang Zapote Rd., Pamplona 3, Las Piñas City

Tel. No. 871-0639 local 170 to 125

Admission Requirements: http://www.perpetualdalta.edu.ph/index.php/for-freshmen

National University

551 M. F. Jhocson Street Sampaloc, Manila

Tel. No. 741-6761

Admission Requirements: http://www.national-u.edu.ph/nu/admission.php?page=requirement

90 responses to “Wannabe Dentist

  1. Galing detalyado! Kulang na lang samahan mo sila sa enrollment.

  2. Pingback: Wannabe Dentist: The Bottomline «

  3. @Tito Boy & jason: salamat!

  4. maganda ang dentistry school ng CEU at ito ang patunay

    FEATURES

    The only Level III Accredited Dental School by the Philippine Association of Colleges and Universities Commission on Accreditation
    The first dental school to undergo the South East Asian Association for Dental Education (SEAADE) Peer Review and Consultation Visit
    Top performing school in the Professional Licensure Examination for Dentists by the Professional
    Regulation Commission
    State-of-the-art facilities and equipment for academic, laboratory, clinical training and research

  5. The Art Of aesthetics is a group of highly trained professionals and high quality Dental lab experts. Utilizing lower cost, yet highly skilled workforce to produce utmost quality dental services.
    Employing the latest in state-of-the-art laboratory techniques.

  6. The Art Of aesthetics is a group of highly trained professionals and high quality Dental lab experts. Utilizing lower cost, yet highly skilled workforce to produce utmost quality dental services.
    Employing the latest in state-of-the-art laboratory techniques.

  7. waaah… anyone there tell me kung magkano per sem ang mga nabanggit na school??😦

  8. fromtheBESTdentalschool

    who can argue? UP is and will always be the best

  9. mga magkano tuition ng dentistry per sem first year… dent proper?

  10. Dental Proper 1-1
    UE-Manila = P48,ooo
    CEU-Mendiola = P46,000
    University of Perpetual Help-Laguna = P35,000
    Emilio Aguinaldo College = P33,000

  11. Maganda ba EAC sa Dentistry? I’ve heard may topnotch sakanila last 2001 or 2002 I think but what happen now? wla na ako balita.

    • I don’t think EAC Dentistry graduates placed at the recent Dentistry boards. Ang kwento sa akin ng isang colleague ko na nagtuturo sa EAC, madami daw foreign students sa kanila, karamihan Koreans who intend to practice in their country. Ang dean nila at ilan sa mga professors ay galing sa UP.

  12. panu kung nag dadalawang isip ka pa lng. i mean ‘ parents ko kasi pinipilit ni lang dentistry ang piliin kong kurso . . kaso sakin 50:50 kong itutuloy ko nga yun . . bukod sa high tuition . . possibilities dn na ma psycho ka ng konti . ! ! ahh help me God na lng. .
    ;(

  13. @kent, sa akin ang maipapayo ko, kung hindi mo talaga feel ang dentistry, wag mo na lang itong kunin. Madami akong kakilala na nag-take ng dentistry dahil pinilit ng mga magulang na dentista rin. Kesyo may established practice na ang mga magulang at kailangan nila na ipagpatuloy ng kanilang mga anak ang kanilang nasimulang “dental empire.” Sa katagalan, nagsi-shift din ang mga ito dahil hindi talaga nila gusto ang kurso.

    Kahit anong hirap ang danasin mo sa Dentistry, kung gusto mo ito at desedido kang maging dentista by hook or by crook e lulunukin mo lahat ng paghihirap na kaagapay nito.

    To survive Dentistry, you have to love it and live it.

  14. incoming freshman aq sa CEU predent…mhrap po b tlga ang dentistry tsaka magnda po b tlga ang dentistry dito?

  15. pwede po ba magtanong Doc T, may Dentistry po ba sa University of Baguio?? nagschool hunting na po kasi ako graduating na kasi sa High school. SALAMAT🙂

  16. gusto ko mag take ng DENTISTRY sa UE or CEU…depende sa tuition fee….pero parang ayaw ng mom and dad ko😦
    mahirap b tlaga ang dentistry??? by the way 4th year high school na po ako and naun plng nag iisip nako para sa college..kc sept mageexam na ako sa UE….

  17. Mahirap ang dentistry lalo na kung hindi mo hilig. Ang pagiging mahirap ng isang bagay ay “relative” sa isang tao—kahit na sino tanungin mo sasabihing mahirap ang kurso niya. Dipende na lang sa tiyaga mo kung kakayanin mo.

  18. Doc T, saang school po kayo graduated? Maganda po ba sa school na CEU? Dentistry po kasi ang choice ko na course.

    • Secret…🙂 I’d rather not divulge where I graduated at baka magkaron pa ng conflict of interest achuchuchu.

      OK naman ang CEU…nasa tao naman kung magiging magaling siyang dentista o hindi.

  19. may ave. bang kailangan para makapagentrace sa CEU OR UE ? gusto ko kasing mag DENTISTRY🙂

  20. Pakitawagan na lang ang mga numero nila para mas accurate ang impormasyon na makuha mo.

  21. Hi. I just want to get some advice from you. Which is better Medicine or Dentistry? I’m currently a freshman student. I am taking up Occupational Therapy as my pre med course. Nag paplano ako mag medicine pero naisip ko na mas gusto ko talaga ang Dentistry. Kaso maraming nag sasabi na hindi na daw maganda ang Dentistry sa ngayon. Ngayon, hindi ko alam kung anong dapat gawin. Kung magsshift ba o hindi. Can you give some advice? Mahirap ba ang Dentistry? Thank you.

  22. Hi. I just want to get some advice from you. Which is better Medicine or Dentistry? I’m currently a freshman student. I am taking up Occupational Therapy as my pre med course. Nag paplano ako mag medicine pero naisip ko na mas gusto ko talaga ang Dentistry. Kaso maraming nag sasabi na hindi na daw maganda ang Dentistry sa ngayon. Ngayon, hindi ko alam kung anong dapat gawin. Kung magsshift ba o hindi. Can you give some advice? Mahirap ba ang Dentistry? Thank you.

  23. when it comes to dentistry, dont hesitate na pumasok sa UE. kailangan lang masipag ka kasi di ka makakasurvive dito kung tamad ka kasi quality dentists and pinoproduce ng UE. unlike sa ibang school na namention sa taas. yun yung pinapasukan ng mga bumagsak sa UE. may kamahalan lang sa tuition fee. pero kung masipag kayo madali lang naman makakuha ng Scholarship.

  24. @DOC T, MAGKANO PO BA ANG TUITION FEE NG DENTISTRY? GUSTO KO PO KASING MALAMAN🙂

  25. no doubt po ang quality education na inooffer ng CEU especially when it comes to DENTISTRY..:)) THE BEST PO KAMI DITO !🙂

  26. Wala po bang course na dentistry sa De Lasalle , Ateneo at FEU? .. at ano po yung mga major subjects sa pag dedentistry at ano po ang mapapayo niyo sa pag entrance exam sa CEU? saan po ako mag fofocus . tnx po GOD BLESS

  27. Wala po bang course na dentistry sa De Lasalle , Ateneo at FEU? .. at ano po yung mga major subjects sa pag dedentistry at ano po ang mapapayo niyo sa pag entrance exam sa CEU? saan po ako mag fofocus . tnx po GOD BLESS ..

  28. Doc T phelp naman mahirap ba talaga mag dentistry ksi ala na akong choice ehh mlapit na ang psukan ala pa rin akong permanent decision penge naman ng advice ndi kse ako mcpag at kunting talino lng ang meron ako xD

  29. Passing the entrance exam for dental medicine is just a knock to the world. In pre-dentistry, which is a 2yrs course you need to finish before you qualify for proper, you can expect na mahirap na din siya lalo na sa mga science-related courses. Pero much challenging pagdating mo ng dental proper kasi dun palang magtetake ng oral-related subjects. Nasa oral cavity nadin ang focus ng mga subjects mo, so expect that it will be more intense than the pre-dent subjects..my advice is that If you want to pursue dentistry, you need not only an intelligence but also the willingness and patience to finish the course. plus the financial support

  30. FUTURE DENTIST :) :)

    Maganda po ba ang performance ng dental school sa de ocampo memorial college?

  31. Gusto ko po talagang kumuha ng Denstistry. Balak ko po ay sa CEU.
    Ang tanong ko lang po, may kailangan po bang grado nung HS para sa course na Dentistry? 85 lang po kasi ang average ko, pwede na po ba yun?

    Kinakabahan po ako kasi baka sobra hirap talaga. Pero kung tiyaga lang po ang pag-uusapan. Mag-aaral po talaga ako ng maigi.

    Sana po bigyan nyo po ako ng mga information about sa course na to. MARAMING SALAMAT PO SA MAGREREPLY.🙂

    • Bawat eskwelahan ay may sariling qualifications sa mga aplikante. Paki-contact na lang ang CEU mismo.

      Mahirap ang dentisty kung sa hirap ang pag-uusapan. Hindi lang utak ang kailangang sanayin dito kundi pati ang iyong mga kamay. Pero kung gusto mo naman ang kurso ay sulit naman lahat ng paghihirap mo.

  32. Doc, gusto ko din mag dentistry. Madami lang akong tanong, kasi gusto ko din magtayo ng sarili kong dental lab in the future. Marami na po kayong naranasan at gusto ko makakuha ng food for thoughts😀 Worth it po ba? May bachelor degree na ako at natapos sa Canada. Gusto kong bumalik ng Philippines para magaral pa either dentistry or dental tech (pero mas preferred ko sana dentistry), edi another 4 years uli yun, halos 22 na kasi ako parang ang tanda ko na kaya nakakadiscourage. And halos lahat nagsasabi sayang naman dapat magstay nalang ako sa Canada. Career crisis ang nagaganap Doc!

  33. Magkano po ba ang magagastos sa course na to?

  34. Hello there First Year Proper ako doc sa CEU mahirap ba mga subject like Bio chem.General Anatomy?

  35. Hi! registered nurse po ako and balak ko pong mag- aral ng Dentistry. may idea po ba ikaw kung ilang years na lang ang need ko to finish Dentistry?

  36. Excuse me pero dapat natry mo din maging Medicine Student bago mo ijudge na mas mahirap ang dentistry kesa medicine.🙂

  37. Helow! Im planning to enrol in OLFU! but im hesitate because im positive in hepa B.. Does the school has a screening regarding this? thanks

  38. Ano po ba yung mga foreingers sa CEU??!!>..tska pag pre-dent palang po ba mag lalaboeratory ka na or mageexamine ng ngipin?!!

  39. Doc, magkano po ba ang extra expenses para sa materials na kailangan ng dental student? kasi tuition lang ang alam ko para sa anak ko? pakiguide naman kung mag kanong estimate ng extra for materials.

  40. hello po.baka naman po pwedi nyu ako bgyan ng job description ng public health dentist????may sweldo b yun??at anu ang qualifications?

  41. gusto kong mag dentistry ang kinakatakot ko lang eh baka kalahatian pa lang ng taon eh mapatigil ako dahil balita ko malaki ang tuition for this. bukod pa yung gastos sa mga materials. Doc, kapag pre dent ba magastos na rin at kailangan na ring bumili ng mga materials? magkano po kaya ang estimate budget per month?
    Kapag dentistry student ba dapat maganda ang iyong mga ngipin or at least naka brace ka na (if ever needed). Parang nakakahiya naman na isa kang dentistry student tapos may problema ka sa ngipin mo. May kamahalan din kasi magpa brace, I have to chose one, brace now or tuition first. Sa school ba libre na ang pa service sa mga professor?

    • So, nabasa ko yung mga comment and question nyo. Im just want to help you since predent student ako. Based on my experience hindi kailangan ng studyante na pagpasok mo ay nakabraces na. So depende sa yo kung kung gusto magpalagay ng brace. Basta ang important lang dun e maganda ang ngipin mo. So di panaman magastos ang predent, ang balita ko sa proper mo na paglalamayan ang pera mo sa laki ng tuition. Basta pag aralan mo nlang ang major subject na physics and chem. Goodluck !

  42. Doc if graduate ba ng BS Nursing /degree holder ba like registerd nurse qualified na to take dent proper? Or may subjects pa sa pre dent na kailangan I take?

  43. Hi what’s the certificate of eligibility needed in ceu?🙂

  44. Hello po. Newbie question lang po. Ano po ba ang dapat aralin kung magtatake ng pre-dental entrance examination? Sorry, no idea talaga. Thank you po!🙂

    • Hi! saang school ka ba papasok?. relax ka lang basta hindi ka sa UP papasok easy lang ang entrance test.

      UE student here.

    • You don’t need to study for the entrance examination. Di mo rin naman kasi alam kung ano lalabas. Pero basic lang.

  45. Please. Sana po may sumagot ng mga katarungan ko. Sa CEU Malolos po ako magtatake ng dentistry. Sa mga may nakakaalam, mahusay po ba ang dentistry sa CEU Malolos? Wala po kasi akong matanungan dito. Nainspire ako sa Dentista ko. May clinic siya sa Malolos, sa CEU Mendiola siya nagtapos. Ang galing niya at ang ganda ng buhay niya. Gusto ko maging katulad niya. Pursigido na talaga ako magdentistry. Ang mahal ng tuition. Nako, hindi pa ko katalinuhan. Pero hindi hadlang yun. Maparaan naman ako at alam kong seseryosohin ko ang kurso ko. Ang tanging bumabagabag sa isip ko ay kung mahusay ba ang dentistry sa CEU Malolos? Sana po may sumagot. Wala naman po sa eskwelahan ito. Nasa tao ang gawa. Pero gusto ko lang po talaga malaman. Salamat po.

  46. Ano po ba ang ginagawa sa pre-dentistry(2yrs) at proper dent(4yrs)?
    Ano pong subject sa highschool ang pinakaginamit sa kursong ito?
    Mahirap po ba makapasa?? >.< (oo naman at syempre naman)

    • Paki sagot po yung tanong niya yun din mismo ang gusto kong malaman😦 thankyouuu newbie lang ako pero tulad niya pursigido rin at hindi katalinuhan. Salamaaat ! Labyu

      • Kaya yan! Minsan talaga pumapasok sa isip ko kung ano mas nakakaangat, ang ekswelahan ba o ang tao mismo? Saan mo ba balak kunin ang dentistry? Good luck!

    • 2 yrs na walang related sa Dentistry pero nireready kayo san hirap ng proper. May pagkarelated naman yung mga Physiology. Then sa 4 yrs dent proper nandyan na ang mga related sa course mo.

      Ask.fm/DentStudent

  47. Magkano po kaya ang tuition fee sa OLFU? Pa-2nd year college na po ako at ang course ko sa ngayon ay BS Accountancy. I’m planning to shift to dentistry kung okay ang tuition fee at ang quality ng turo. Sana matulungan niyo kong magdecide because I’m having this dilemma for almost two years. Thanks🙂

  48. Mahirap ba tong kursong to? D kasi ako matalino makuha ko kaya to sa sipag at tiyaga? Yun la g sandata ko e.

    • Newbie lang po ako pero desidido tlaga ako sa kursong to. Gusto ko lang malaman kung talagang mahirap thankyou po.

    • Mahirap Oo dahil walang madaling kurso. Dagdagan mo yang sandata mo.. Kailangan din kasi ng bilis at galing sa pag-intindi. Kailangan mo rin ng salapi, magastos talaga kasi.

      Ask.fm/DentStudent

  49. Dentistry student ako.🙂 Oo, mahirap talaga dahil una pa lang ay wala namang madaling kurso. Di rin ako katalinuhan pero may disiplina ako at pagmamahal sa kursong ito kaya hanggang ngayon ay nakakasurvive pa naman ako. Kaya mo yun basta nasa pagiging dent ang puso mo. Ganyan din ako nung una puro pag-aalangan pero ngayon ang masasabi ko lang worth it naman pala lahat pag gusto mo talaga. UE student here hahahaha

  50. Oo, importante rin ang pagpili ng eskwelahan dahil nga galing ng pagtuturo at dami ng matutunan pero importante rin ang galing ng pagintindi mo. Kung bumagsak ka man, wag kang panghinaan ng loob. Marami akong kakilalang minsan na ring bumagsak pero bumangon at patuloy paring nakikipagsapalaran sa Dentistry. Hindi importante kung ilang beses kang bumagsak, ang importante ay kung ilang beses mong kayang bumangon.

    Pero syempre magastos ang dentistry kaya mas maganda kung pipilitin mong hindi magkabagsak. Kawawa ang magpapaaral🙂

    pag may tanong pwede akong kausapin sa ask.fm/DentStudent

    ask.fm/DentStudent
    ask.fm/DentStudent
    ask.fm/DentStudent

  51. Hello! Ask ko lang are graduates of allied health courses (e.g. nursing, medtech, pharma) eligible for admission to dentistry proper? O kelangan pa rin itake ang mga subjects na hindi natake sa pre-dent?

  52. Hi! Nursing graduate ako at RN nadin, pangarap ko din maging Dentist kaya nagtake ako ng nursing as pre med course! Ilang years paba ang kailangan ko to finish dentistry. balak ko sa OLFU mag aral. Salamat

  53. Hey I just wanna know what makes UE different from CEU and vice versa. Im planning to take up dentistry nexy AY but I’m still torn between these two schools. Looking forward to your response

  54. Ang kilalang Dental World Manila ang head dentist and owner ay c Dr. Malony Santos ay graduate po ng dentistry sa CEU . Mas marami ng kunti and U.E. graduates Dentist nag wwork don kysa CEU.
    Ang maskilalang GAOC ang owner ay si Dr. Steve Gan kilalang dentist of the stars. Graduate sya ng UE pero mas marami ata na CEU graduates kinukuha nya based on yung nbasa ko n profile ng mga dentists nla. Yung ibang satelite office nla yung head dentist nla eh graduate n ceu.Gusto ata nya di lng magaling kundi dapat mukang sosyal ang mga dentists nya baka kc matakot ang mga sosyal n patients nya kung ang dentist n gagawa eh nkakatakot.. kya karamihan eh ceu knukuha nya..lol

  55. D2 sa s province nmin located s kalagitnaan ng pinas halos mga dentist d2 grad ng ceu at mganda ang practice nla. Kunti lng graduate ng ue at mcu d2. Gus2 ko sna mag aral ng dentistry abroad pero may something kc s kamay ko. Madaling mapagod pagmatagal n hinahawakan ang isang bagay like ballpen, lapis, needle.. eh pag dentist ka di ka makarami ng patients kung mdaling mpagod kamay mo..

  56. Anong ang cheapest Dentistry school sa metro manila?

  57. de ocampo memorial college!???

  58. kahit papaano mas oky ang de ocampo kysa unciano college if we talk about passing rate nila sa board exam at mas maganda ang school environment at parang sosyal ang name ng school kysa s isa.. prang katunog lng ng “de la salle”.lol.. alam ko yan kc kapitbahay lng nmin ang de ocampo college pader lng ang pagitan at natatanaw q ang school activities nla sa loob ng basketball court.. nakakatuwa nman khit papaano. lol

  59. normally, pagmatalino ang isang tao, di issue ang tuition fee kc pwedi sya maging scholar. ang problema kung average lng ang utak mo tapos maliit lng ang budget.. ang payo ko, ang hanapin mo yung maliliit na school ang importante may pumapasa sa board exam. ccgoraduhin mo lng s dental school, isa ka s magaling sa class at wag ka gumaya sa magging kaklase mo n karamihan eh di nag aaral . di kc yon normal sa dental school n di nag aaral dhil ikw rn mahihirapan bandang huli pag kumuha ka n ng board exam. pag maliit na school madali lng makakuha ng mataas n grades kc karamihan ng maggaling n students eh s malaking school nag eenrol kya mas mataas ang standards nla don..lol

  60. Tanong lang po:) Magkano po kaya ang tuition fee sa CEU manila ngayon?:)

  61. Ask ko lang anu ba unang course na kukuhanin para maging dentist? Kailangan pa ba mga take ng Pre-dentistry or Pwede naman na proper dent na agad? Salamat sa sasagot. Pasensya na no idea eh. God bless

  62. Mag predentistry ka Kc may mga subject n yan n related s dentistry. Don mo malalaman kung pare tlga syo ang dentistry.. bukod don,
    may mga subjects cla s dentistry n may pre requisites n makukuha mo lng s pre dent..

  63. Sa CEU po ako nag aaral at graduating na po ako ng pre-dentistry. Ayon sa mga nabasa kong komento. Ang masasabi ko lang ay una, di mo kailangang mag-braces kahit na dentistry ang kurso mo, pangalawa, Puro minor subjects lang naman pag pre-dent bukod sa Chemistry, Physics, Genetics at Primary Health Care, pangatlo, wag kayo kabahan sapagkat ituturo naman ng mga professors ang mga nasabing subjects. At panghuli mag-advance reading kayo kapag nakabili na kayo ng mga libro kasi may mga ibang profs na mahilig magpaquiz bago mag discuss. Yun lang sana nakatulog.
    P.S. Bawal ang tamad kapag balak mo mag-dentistry

  64. Magkano po tuition fee per year sa CEU ng pre-dent which is 2 years and yung sa proper na 4 years? And also yung estimated na additional na gastos din para sa mga materials po per year? Magastos po ba talaga?

    I’m only grade 11 student pa lang naman pero gusto ko lang makapag prepare for college. Still torn between taking dentistry or mag business nalang since abm yung strand ko ngayong shs. Some advice from CEU students na nag t-take ng dentistry might help. Thank you!!!

  65. Hello graduate po ako bs biology and im planning to enroll in dentistry itatake ko paring ba yun 2yrs or pwede na ako sa proper na 4yrs.sana po masagot salamat.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s