Wannabe Dentist: The Bottomline

Sa nakaraang post na “Wannabe Dentist” nabigyan ko na kayo ng ideya sa mga iba’t ibang dental schools sa Maynila.

Ngayon, ang tanong pa rin e anong pinaka-OK na piliin na kolehiyo o unibersidad?

Kung desidido ka na Dentistry ang gusto mong kunin sa college, mas maganda kung magpasa ka ng applications sa at least 3 sa mga iskuwelahan na tinukoy ko. Kung sa Maynila ka na talaga nakatira, dapat ikunsidera ang layo o lokasyon mo sa kolehiyong pipiliin mo.

Tingnan mo rin ang performance ng mga nasabing iskuwelahan at ang passing rate nila sa dental board exams. Kadalasan makikita ang passing rate kasabay ng anunsiyo ng PRC sa mga nakapasa sa dental board exam.

Nung nakaraang resulta ng  dental board exams nung December 2009, naglabas ang PRC ng listahan ng Performance of Schools para makita kung ilang porsyento ng mga estudyanteng kumuha ng exam mula sa isang kolehiyo ang nakapasa. Ang mga board takers ay na-classify into First Timers (o unang beses na kumuha ng boards) at Repeaters.

Base dito, ang performance ng mga eskuwelahang nabanggit ko ay:


Para sa akin, mas magandang basehan ang overall passing rate kesa sa kung saang galing na eskuwelahan ang mga topnotcher sa board exam. Kung ang isang eskuwelahan ay nagproduced ng estudyanteng nag Top 1 sa boards pero karamihan naman ng mga estudyanteng kasabay nyang kumuha galing sa eskuwelahan ding iyon ay lagpak, balewala rin.

Magandang magkaroon ng at least 3 choices ng eskuwelahang papasukan. After all, hindi lang ikaw ang mamimili kundi ang mga iskuwelahan na mga ito ay may criteria for judging din hehe.

18 responses to “Wannabe Dentist: The Bottomline

  1. wow, very informative post. ipapabasa ko to kay ralph, nursing student din yun.🙂

    • dentistry student pala. hindi nursing. hehe
      saang school ka ba?

      • Neil, pasensya na, hindi ko maaring i-reveal kung saang dental school ako affiliated. Mahirap na, I talk about other dental school kasi—baka maakusahan akong biased even if I try hard to remain as objective as much as possible🙂

  2. Neil, salamat sa pagbisita!

  3. flattopsatcurlytops

    tama ka doc sa sinabi mo about sa mga topnotchers ng iba’t ibang schools.. kadalasan yan ang pinambubungad ng mga universities sa kanilang ads na galing sa kanila ang no. 1 sa board exam, kesyo ganyan, kesyo ganun.. pero yun pala yung top 1 na yun, yun lang din ang pasado sa lahat ng students nilang nag-take ng board exam.. hehehehe galing ng explanations mo doc!😉

  4. Hi flattopsatcurlytops!

    I like your name—reminds me of my childhood loot from our friendly neighborhood sari-sari store hehe. Well, we can’t blame the schools who does that kasi nga most of them are private schools (well, isa lang naman ang dental school na public) and they need to promote their school to the maxxx. Also, they need to justify their high tuition fees kasi walang matinong magulang na magbabayad sa kanila ng mahal kung walang kasiguraduhan na papasa yung anak nila.

  5. Hi. Magkano ang gastos sa buong pag-aaral ng Dentistry? Estimate? Mga 3 mil pesos in 6 years? Estudyante ay from outside Manila so mag-boarding house siya and all.

  6. bakit di namention ang UB sa mga list mo doc T?

  7. Im planning na mag aral kasi sana sa UB, mura lang kasi tuition dun. un nga lang pinagiisipan ko pa kung okay ba talaga dun…

  8. Hi
    im planning na mag dentistry mag kano b per sem kadalasan? Or gastos sa buong pag aaral.. Reply kayo kaagad hehehe:) mail me for some advice

    okie ln b kahit hndi matalino .. Im average but my weakness is mathematics:)

    • Depende sa school. Ang gawin mo, tawagan mo ang mga dental school na nabanggit sa aking blog entry. Tapos idagdag mo pa na may mga materyales kang bibilhin. Rough average siguro 50thou in a year + tuition fee.

  9. helow! alam mo ba kung Fatima alllow nila mag-enrol ang hepa b positive? or may screening ba sila? thanks

  10. Hi Doc T! Ano po ba ang dapat na charateristics ng isang aspiring dentist? Tska po ano ang mga reasons niyo kung bat niyo napili ang dentistry? Thanks.

  11. Ano po ba and dabest na maipapayo nyo saaken kase pinaplano ko po kumuha ng dent sa ceu next school year. Thank you. godbless!

  12. Hello doc… Ako po ay isang registered nurse na recently narealize na Indi ko pla tlga gusto maging nurse…instead maging isang dentista. So ang tanong ko ilang taon pa po ako magaaral ng dentistry para maging ganap na dentista? and saan school po tumatanggap ng mga katulad ko na career shifter? Tnx po sa magi going reply mo…:)

  13. kapag po ba grumaduate ng D.M.D, general dentistry lang po yung pwedeng iperform(o medyo pwede na rin mag ortho ng konti🙂 )…kung gusto pong mag ortho edi kailangan po na mag-aral ulet o parang pwedeng “i-major” ang orthodontist along the duration of the study ng dentistry?(like bs bio for example…BS Biology major in microbiology) Salamat po🙂 need help kasi medyo nalilito po ako dun…planning to shift to dentistry course (haay nakakalito🙂 )

  14. Taga ue ang blogger.hahaha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s