Wannabe Dentist Uli: Dental Board Exam Helpful Tips

Congratulations at natapos mo na rin ang kursong dentistry!

Mapa-Cliffhanger (as in sabit lang sa mga grumaduate dahil puro pasang-awa ang grade), Magna (magna-9 years binuno ang pagkuha ng kursong Dentistry imbes na 6 years lang) o Summa (sumakabilang buhay na ang ibang professors e hindi ka pa rin graduate) ka man ay sa wakas, iiwan mo na ang masalimuot na buhay bilang isang Dentistry student.

So akala mo e tapos na ang paghihirap mo ay eto’t magsusubsob ka na naman sa kaka-aral para sa Board Exam. Akala mo, pahinga ka na ano? Well, you thought wrong bwahaha (kulog, kidlat sound effects here).

Noong nasa high school pa lamang ako, ang sabi ko sa sarili ko ay kukuha ako ng kurso sa college na walang board exam. Nakakatrauma rin kasi ang mga entrance exam galore na kinukuha para makapasok sa gusto mong kolehiyo. Awa ng Diyos, napunta ako sa kursong hindi lang may board exam kundi may practical exam pa!

Hindi ko na idi-discuss ang mga requirements para makapag-take ng boards dahil alam ko na alam niyo na yun. Para sa hindi pa nakaka-alam, Google is your friend ;P

Kung interesado ka na mag-take ng Board Exam, malamang ay alam mo na dalawang beses ginaganap ang Dentistry Board Exam sa Pilipinas. Kung tatanungin ako kung kelan mas-OK mag take, dipende yan. Kung ikaw e nangangarap na mag-place sa Top Ten, alamin kung kung sino-sino ang mga magtetake ng Boards mula sa iyong iskwelahan at sa ibang college. Wag mong sabayan ang mga cum laude at mga “potential topnotchers” na pambato ng iba’t ibang iskwelahan lalo’t alam mong mas matatalino sila kesa sa iyo. Kapag tapos na silang mag-exam, yayain ang mga bopols mong mga kaklase para sabay-sabay kayong mag-take ng boards—kung di ka ba naman pumasok sa Top Ten niyan e ewan ko na lang….

Seriously, dapat mag-take ka kung kelan ka handa at nakapag-aral ng husto para sa exam. Hindi yung magte-take ka kasi gusto mo nang magka-boyfriend at ang kundisyon ng mga magulang mo e dapat maging dentista ka muna bago ka tumanggap ng manliligaw.

Kung nag-graduate ka ng March or April, mukhang dehado ka kung kukuha ka ng exam ng May. Mas ok kung December ka na lang.

Ang board exam ay ginawa para malaman na may sapat kang kaalaman para humawak ng pasyente bilang isang dentista. Hindi ito final exam na napaka-specific kaya wag masyadong career-in ang pagmemorize ng Interleukin I up to MXII (meron ba nito? hehe).

Sa unang linggo mo nag pagre-review, maaring mag-scout ng mga sample exams at reviewers na iyong gagamitin. Siyempre, kasama dito ang ever-favorite nating Wells Part 1 & 2. Meron nito sa mga bookstores—pwede mo ring tanungin ang lola mong dentista kung mahahanap pa niya mula sa kanyang baul ang kanyang kopya para hindi ka na gumastos pa.

Mangalap din ng mga kopya ng mga kilalang reviewers tulad ng NBDE, First Aid for the NBDE (outline reviewer at Q&A), ASDA at Dental Decks. Para sa akin, natuwa ako sa Dental Decks at First Aid Q&A for the NBDE pero huli na nung nadiskubre ko ito. Ginamit ko na lang ito para sa mga lectures ko para sa dental reviews.

Mind you, ang mga reviewers na nabanggit ko ay para sa US Dental Boards. Wala pang pormal na dental boards reviewer na nalalathala para sa mga Pinoy. Dudugo ang butas na bulsa ng mga magulang mo kung bibihin mo itong lahat. Ang ibang reviewers ay sa US lang mabibili at kung meron man dito ay maghanda na ng minimum of PHP1,000 per reviewer.

But don’t dispair, at andyan naman ang mga friendly xerox stalls sa Recto. May mga xerox stalls na nagbebenta ng naka-bind nang reviewers lalo na dun malapit sa mga dental schools sa Recto. Magtanong-tanong ka na lang doon. May mga electronic o pdf copies din ng mga reviewers na nabanggit…again, Google is your friend.🙂

Magandang sagutin muna ang mga Q&A sa mga reviewers na ito para maging guide kung ano ang mga subjects na madami kang naalala (0 stock knowledge) at kung ano ang mga subjects na binaon mo na sa limot. Huwag sumilip sa answer key!!! God is watching…

Kapag tapos ka nang sagutan (o titigan kasi walang maisagot) ang mga questionnaire ay i-tally ang mga subjects according sa dami ng iyong nalalaman. At saka ka na magplot ng game plan mo pag-rereview.

Madami ang nagtatanong kung dapat pa bang mag-enroll sa mga review centers, well, kanya-kanya yan.

Sabi nga ng dati kong professor, nung panahon nila ay wala namang mga review class para sa pagtake ng boards pero nakapasa naman sila. So hindi siya isang requirement.

Pero makakatulong siya kung ikaw ang tipo ng estudyante na madaling makatulog pag nag-aaral mag-isa. Meron ding ilang lecturers na nagbibigay ng tips para madaling maalala ang ibang particulars ng ilang subjects.

Whether mag-eenroll ka sa isang review center o hindi, importante sa pagre-review sa kahit anong board exam ang pacing. Bigyan ang sarili ng definite schedule kung hanggang kelan lang dapat mag-review para sa isang subject at hindi yung buong pag-rereview mo e sa Commdent na nalaan.

Next topic, hopefully ay ma-review ko ang mga iba’t ibang dental review books at makapagbigay ng mga dental review centers. Kailangan ko munang magpasyente hehe

PS. More dental board exam preparation tips here:

Online Dental Boards Review

2 responses to “Wannabe Dentist Uli: Dental Board Exam Helpful Tips

  1. Huwaw. Gandang article comprehensive. Sana may ganitong article para sa magbaba-bar. Hmm…makagawa nga.

  2. Want ko din po magpajacket ng teeth text me po 09052981971

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s