Dentistry Refresher Course–Ano Ito?

Para sa mga nagnanais maging Dentista, may mga qualifications para pahintulutan kayo na makapag-take ng Dentistry Board Examinations. Hindi porket nakapagtapos na kayo ng kursong Dentistry ay automatic na pwede kayong kumuha ng Board Exam.

Alam nating lahat na mahirap makapasa ng Dentistry Board Exam lalo pa’t hindi lang utak ang dapat paganahin sa nasabing pagsusulit, kundi pati kamay dahil bukod sa Theoretical Exams ay meron ding Practical Exams na dapat bunuin ang mga wannabe dentists.

Kaya naman hindi maiiwasan na mayroong mga hindi pinapalad na makapasa sa naturang Board Exam. Noon lamang nakaraang December 2011 Dentistry Board Exam ay 239 lamang mula sa 601 na kumuha ng exam ang pinalad na makapasa! Kitams, matindi pa sa butas ng karayom ng langgam ang pinagdaanan ng mga dentista, tapos babaratin niyo lang?!

Habang 239 ang masayang nakikipagsapalaran bilang dentista, 362 ang muling sasabak sa panibagong hirap para makamit ang inaasam na lisensya para makapag-practice ng Dentistry. At kung pangatlong beses na ang paglagapag sa Board Exam, wag munang ma-excite na kumuha ulit ng pagsusulit ngayong darating na Mayo dahil may panukalang kailangang sundi para sa mga “Third-Time Flunkers.”

Ayon sa Batas (RA 9484, Section 14):

Applicants for board examination shall establish to the satisfaction of the Board:

d. He/She has completed the refresher course required after failing three (3) consecutive licensure examinations

Ibig sabihin, ang taong naka-tatlong (3) beses nang bumagsak sa Dentistry Board Exam ay dapat mag- enroll sa isang Refresher Course mula sa kahit anong institution na accredited ng Board of Dentistry at PRC na magbigay ng nasabing kurso.

Maaring magtanong sa PRC kung ano ang mga accredited na dental review centers kung saan pwede kumuha ng Refresher Course. Isa sa mga matunog na institution na nag-ooffer ng Dental Refresher Course ay ang University of the Philippine College of Dentistry. Maaring makipag-ugnayan sa nasabing institution sa website na: UPCD Dental Boards Review.

PS. Hindi ito paid advertisement para sa mga institusyong nagbibigay ng refresher course. Your Dentista is an unpaid but overworked dentista🙂

11 responses to “Dentistry Refresher Course–Ano Ito?

  1. oo nga naman hirap ng exam sa dentistry tapos pagmagtatayo ka ng clinic babaratin ka lang ng pasyente

  2. Unpaid at overworked, gusto ko yung unpaid, ibibreak ko na dentista ko bukas na bukas din po at babalik dito.

  3. Good day!
    My mother is a Dentistry graduate. She finished the course somewhere in 1990s. She passed the Theoretical exam but she haven’t taken the Practical exam. She got married and diverted into the teaching profession instead. Recently, I heard from her that she want to take the second.
    Is she going to enroll in Refresher classes or something? Or can she directly enroll on a review center and take the second exam? I want to help her.

    • Yes. Your mother needs to enroll in a Refresher Course and must present a Certificate of Completion to the PRC when she applies to take the Dental Board Exam. UP and UE offer Refresher Courses in preparation for the dental boards. The UP Dental Review Center has a website: updentreview.com

  4. MAGKANO PO ANG FEE NG REFRESHER COURSE? MAGKANO DIN PO MAGAGASTOS KUNG MAGTAKE ULIT NG BOARD EXAM? SALAMAT PO.

  5. I am a Dentistry grad year 1987. I took board exams but failed. I applied here in abroad as Dental assistant, the time passed i was not able to take the said board exam again and as the RA bill that i have to take a refresher course in 6 months. My problem now , i want to get the board exam but due to my work this hinders me to apply and another problem is I cannot enroll in a refresher course because of my work at present.my family needs my support financially. There is a review by online but refresher course is not available online.. If there’s a chance to have online refresher course to help those who wants to take exams specially to those working abroad it will be of great help for us.thank you hopefully there will be one school who will open for ONLINE REFRESHER COURSE..Thank you so much

  6. Merong online refresher course ang u.p.ds march to august pls.email mabalboa@gmail.com for details or send sms to dr.sotelo 0908 663 7987

  7. Nag graduate po ako ng dentistry 1996 naipasa ko ang practical exam ng 1997 nag take ulit ako ng exam ilang ulit ng theoretical pero d parin pumasa kailangan ko ng refresher course. Ang tanong ko lang pag nag take ba ako ng exam uli kailangan ko ulitin ang practical ko na naipasa kona ng 1997

  8. I’m a Dentistry graduate year 1993. I took a board exam once and failed. Do i have to take a Refresher Course?..I’m planning to take a Dental Board Exam this December…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s