Category Archives: Dental Health

Braces: To be continued…

Ang post na ito ay inspired sa comment ng isa nating reader na si hisnameisdencios (Yihee, special mention!).

Ayon sa kanya:

“may braces ako, usually hindi tumatanggap ang mga dentist pag nailagay na yung braces. gusto nila tanggalin ulit at sila ang mag sstart. problem is, gastos na naman. what if matatapos na na tulad nung sa akin. buti na lang i was referred to someone na ok lang sa kanya. yun lang =P”

May mga ilang pasyente na rin ako na nagtanong kung anong pwedeng gawin kung sakaling hindi na matuloy ng kanyang dentista ang pag-aayos ng kanyang ngipin na may braces. May mga iba na maayos namang sinabihan ng kanyang dentista na hindi na nito maiipag-patuloy ang paggamot sa kanya pero yung iba ay biglang naglaho na lang yung dentista na parang bula.

Ano ba ang dahilan kung bakit hindi naiituloy ang orthodontic treatment (panggagamot gamit ang braces) sa isang pasyente.

Continue reading

Advertisements

Tips para makatipid sa pagpapadentista

Psst…gusto mo bang magpapasta sa halagang PHP 50 lang?

No, hindi chicklet ang ipangpapasta sa iyo pag ganito lang kamura ang ibabayad mo. Kung ano ang pinangpapasta na “silver” sa mga dental clinic ay yun din ang gagamitin sa iyo. Magpalinis ng ipin ba kamo? Basta’t may trenta pesos ka (PHP 30), pwedeng pwede na!

Hindi joke o prank sa Wow Mali ito. Maaring ganito lang ang ibayad mo sa mga dental schools para gamutin ka ng mga estudyante nila na nag-aaral ng dentistry. Teka, bago ka mapangiwi e sisiguraduhin ko naman na merong lisensyado at well-trained na dentista na titingin sa mga estudyanteng gagawa sa mga pasyente. Ito ay para masigurado na tama gagawin nila at hindi mapapahamak ang pasyente nila.

Ano ba ang dapat gawin para makapagpadentista ng mura sa mga dental school?

Continue reading

Dental Veneers

May mga ilan-ilan na rin ang nagtatanong sa aking tungkol sa dental veneers o laminate veneers.

Para madaling ma-imagine ang konsepto ng veneers, maaring ihalintulad ito sa pekeng kuko o fake nails. Halos pareho lang sila dahil pinapatong lang ang veneers sa ibabaw ng ngipin tulad ng fake nails na inilalagay naman sa ibabaw ng kuko. Siyempre, hindi mo nga lang pwedeng lagyan ng kyutex ang dental veneers hehe.

Maraming mga artista at sikat na personalidad ang nagpalagay ng dental veneers dahil madalian nitong napapaganda ang itsura ng harapan ng ating mga ngipin. Isang magandang pagpapaliwanag tungkol sa iba’t ibang klaseng dental veneers ang isinulat sa website ng Pinoydental na pinamagatang: Ano Ang Dental Veneers?

Basa mga kaibigan! ­čśÇ

Phobia sa Dentista

Continue reading