Me, Myself and I

Tawagin ‘nyo na lang ako sa pangalang: “Doc T”

Ako ay isang dentista at guro sa isa sa mga dental schools dito sa Pilipinas. Bilang isang dentista at guro, naniniwala ako na importante ang mapalaganap ang impormasyon tungkol sa pangangalaga ng ngipin at gilagid para maiwasan ang mga malalang dental conditions.

Batid ko na malaki ang gastos pagpapadentista kaya hangga’t maari ay mabigyan ng agarang lunas ang simpleng sakit ng ngipin bago ito lumala. Pero kadalasan, ang mga pasyente ay nahihiya o nai-intimidate na magtanong sa kanilang mga dentista. Ang iba naman ay namamahalan sa consultation fee pag pupunta sila sa mga dental clinic. Dito, libre ang konsultasyon!๐Ÿ™‚

Alam ko na hindi lahat ng mga problema sa ipin na ikokonsulta sa akin ay magagawan ng paraan at ang website na ito ay hindi pwedeng palitan o i-replace ang aktuwal at personal na konsultasyon sa dentista. Pero sana makatulong ako sa anumang paraan tulad ng dental advice, referrals, atbp.

Nais ko rin na gamitin ang website na ito para tulungan ang mga kapwa ko dentista, lalo na yung mga nagsisimula pa lamang, pati na rin yung mga nag-aaral na aspiring dentists. Sa mga susunod na posts ko ay isasama ko ang mga updates at mga links na makakatulong sa pag-aaral at paglawak ng kaalaman sa dentistry.

Bakit “Tagalog” ang gamit ni Doc T?

Hindi ako nanalo bilang “Binibining Wika” na binibigay tuwing Linggo ng Wika nung estudyante pa lang ako. At lalong hindi 100 ang grado ko sa Filipino.

Napansin ko lang na sa dinami-dami ng websites at blogs na ginawa tungkol sa dentisty in layman’s terms o yung maiintindihan ng mga hindi dentista ay hirap pa rin ang marami na maintindihan ang tamang pag-aalaga ng ngipin at anu-ano ang mga karampatang lunas dito. Sa aking pagsagot sa mga forums kung saan madalas ay Tagalog ang gamit ng mga taong nagkokonsulta tungkol sa mga problema nila sa ngipin, napansin ko na mas naiintindihan nila kapag Tagalog o Taglish ang pagkakapaliwanag ng dentista.

Sana ay suportahan ninyo ang site na ito!

Doc T (Your Dentista)

144 responses to “Me, Myself and I

  1. ay sinusuprotahan ko pa kayo sa inyong layunin at pag-abot sa mga taong gustong maging dentista o kumunsulta sa denstista.

    salamat po naisipin ninyo ang paggawa ng blog na gaya nito.

    well, sa mga susunod na araw (baka minuto) ay magtatanong na po ako Doc T. heheh

    mabuhay!

  2. yeah, i support this site. more power po,Doc T!

  3. @hitokirihoshi: Salamat, sige aabangan ko yung tanong mo. Wag mong hirapan ha? Baka dumugo ilong ko hehe

    @neil: Thanks for your support!๐Ÿ™‚

  4. ako po ay nagagalak at natagpuan ko ang blog na ito. alam kong malaki itong tulong sa mga nakakakarami dahil lahat naman at ay mayroon (at nagkaroon) ng ipin.

    isa ako sa mga taong “hindi ganoon kaayos” ang ipin dahil aaminin ko ay takot ako magpadentista.๐Ÿ˜€

    i dadagdag ko po kayo sa aking blogroll.

    hindi nyo po ata nabanggit kung lalake kayo o babae. wala lang, hindi kasi ako nagpapadentista sa babae kasi masakit ‘pag sa babae. hehe.

    • Salamat sa pagdagdag sa blogroll. Pasensya na sa late reply, medyo busy-busyhan lang ako hehe.

      Anyway, baligtad naman ang karamihan, mas madaming ayaw sa dentistang lalaki kasi mabigat daw ang kamay ng mga lalaki. But then, meron naman akong kilala na lalaking dentista na magaan ang kamay.

      Babae po ako, pero wala pa naman akong nasasaktan na pasyente (at sana wala)

  5. doc t, gusto ko po ang site mo. malamang magugustuhan din to ng iba. (= post din kau for dental students,ways para makapasa ng dental board exam. asahan po namin.. tnx! more power..

    • Dr. Cai, I’m racking my brains for articles para sa mga dental students for the board exams. May niru-rush lang akong lectures hehe. But for sure I’ll come up with tips para makatulong sa mga graduates. Thanks for suggesting topics, feel free to suggest anything that you think might be interesting.๐Ÿ˜€

  6. doc t, hanggang anung average na grade ung pwedeng pumasok sa ceu para sa dentistry..kasi kadalasan 85 and above..eh panu kung line of 7..pwede ba un doc t?..

    • Well, base sa admission requirements, walang specific na nakalagay para sa mga gustong pumasok ng Dentistry. Pero sa Nursing, ang required nila ay GWA na 85, malamang ganun din for Dentistry. Kung line of 7 ang GWA ng applicant, maaring maging “waitlisted” siya o kung desidido siya talagang pumasok sa CEU Dentistry ay pwede siya mag-“appeal.” Dipende sa quota and bilang ng mga naadmit na estudyante kung tatanggapin ang appeal o hindi.

  7. Melalyn Mantaring

    Dear Dr. T,

    I have a 4.5 year old son and as per our last visit with a pedia dentist, she recommends a long list of dental procedures (i.e. pulp treatment, extraction, disking, composite with liner, Glass Ionomer) to be undertaken in order to preserve or improve his teeth conditions. However, my husband and I are a bit hesitant whether to do all procedures in one session using IV sedation or 4 sessions under oral sedation. We worry about the possible side effects of sedation to him given that he is still very young. Can you please enlighten me about the advantages and disadvantages of both IV and oral sedation?

    Your insights would surely help us decide what sedation to choose.

    Looking forward to your response and I thank you in advance.

    Mela

    • I understand your hesitation with the sedation procedure. I’ve witnessed several children who undergone the procedure and I know that there were no long-term effects to be worried about. However, all pediatric dentists require a medical clearance from the child’s pediatrician to make sure that the anesthetic and sedative to be used wouldn’t have any conflict with the child’s present condition or medications.

      The advantage of sedation (both IV and oral) is that the procedures can be done without the child being aware (or with them being less aware) of it so that’s less trauma to the child.

      After sedation (whether oral or IV), the child would experience side effects such as dizziness, disorientation and vomiting. But all these would be short-term lang.

      You can still try to do the dental procedures done without sedating the child but the chance of the child getting traumatize and extremely anxious are high. If the child gets traumatize and decides not to go to the dentist anymore, it will be that way until he/she grows up. I know that since I’ve seen adults with severe trauma to dentists. Kawawa lang how their mouth deteriorates.

  8. hi Dr. T,

    lately ive been suffering from toothache/pain because of my impacted wisdom tooth, i know i have to undergo surgery/extraction but im a bit hesitant because ive read some experiences that they experience numbness for months, its because the person who performed the surgery damage a nerve in that area…

    if you know someone who has a clinic in marikina/san mateo rizal area, kindly recommend.

    thanks

    • Donna: Make sure that the dentist who’s going to do the impaction surgery had adequate training. Personally, I would prefer going to someone who had surgical training from reputable institutions like PGH, Metropolitan Hospital and St Jude Hospital. Those institutions have great surgery program so try to observe the clinic for certificates, etc. Of course meron ding graduate sa abroad pero for sure they charge a lot.

      As for Marikina/San Mateo dental practitioner who has training in surgery, you can try Dr. Michelle Aman in Marikina. She trained in PGH. You can email me at clarencedentalclinic@gmail.com for her contact details. Will ask around for other surgical practitioners in the said area.

  9. hi doc t! i was blogging awhile ago. then i saw your site. actually, inaantok nako when i browsed on your home page… natatawa ko! i can just imagine the good old days. i will tell my friends about your site. miss ko na tuloy dent school…
    i want to read more of your blogs but maybe when i get online na lang again. it’s past 3am already but promise, galing mo natawa ko kanina….
    best of luck and regards!

  10. Thanks Doc Elaine. Hindi na nga ako nakakapag-update e๐Ÿ˜ฆ

  11. You’re good Doc Kris. Binook mark ko itong blog.

  12. i like your blogs am also a dentist

  13. nakaka tuwa naman po etong site mo doc.t….

    ask ko lang may clinic po ba kayo?! mas comfortable po kasi ako kapag babae kasi pag lalaki nahihiya ako sa teeh ko. mukang kailangan ko na ng dentures. un mga pinastahan sa teeth ko nag ccrack na then un jacket natanggal na din. magkano po kaya bunot tas pa denture? saka gano katagal bago ikabit un dentures? nakaka hiya naman kasi kung bungi ako lalo na this christmas hahaha!

  14. hello doc T…buti nakita ko itong website nyo, I was thinking kc kung anu ipopost ko sa Health Bulletin Board namen d2 sa clinic sa skul about proper dental care,..hehe, I am a college dentist here in Mindoro State College of Agriculture and Technology,..

    Anyway, hope I could read and learn more of your ideas when it comes to dental health and new innovations in dentistry and maybe some other time I could ask few questions..hehe

    I’ll support this site, to uplift our profession as a dentist..goodluck and God bless.. GO GO GO!๐Ÿ™‚

  15. Doc T,
    Thanks for coming up with this kind of site. Im more than grateful to be learning ideas, tips and all kinds of dental stuff from you. May God bless you!:)

  16. hEllo po Doc T, may itatanong lang po ako, ano po ba ang mas magandang kursong kunin …….doctor of dental medicine o BHS in Dentistry ?? parehas lang po ba cla ?

    • BHS pertains to the pre-dentistry program. Hindi pa siya specific dental subjects but more on GE or General Education subjects which is taken on the first 2 years of the Dentistry course.

  17. Hi Doc T,

    Gusto ko lang po sanang mahingi ang opinion nyo tungkol sa bagong labas na toothbrush na Denson T-Toothbrush. Eto daw po ang rason kung bakit eto ang mas magandang gamitin kaysa sa conventional na toothbrush. ( http://www.e-denson.com )

    WHY CHOOSE DENSON T-SHAPED TOOTHBRUSH?

    – More effective than the conventional toothbrush.
    – Promote the correct method of brushing teeth as recommended by Dentist.
    – More effective in preventing build up of stains, plaque and tartar if use regularly
    – Enhance the interest of teeth brushing
    – Reduces gum damage
    – A more effective and better tongue cleaner
    – For a more relaxed teeth brushing
    – Reduce the number of times you need to floss
    – Reduces tooth decay
    – Cost and space savings
    – VERY HIGH QUALITY ROUND SHAPED BRISTLE (Duppont Nylon 612)
    – Ergonomically designed and user friendly too to some hadicapped person
    – Denson multiway toothbrush was rated 97% MORE EFFECTIVE than the I-shaped or traditional design toothbrush. The conventional old fashioned toothbrush was rated 38% effective only.

  18. Ano po ang mga gamit na kailangang bilhin ng first year dent proper student?๐Ÿ˜€

    • I’m not familiar with the subjects in other dental schools but in our college, first year dental proper covers Oral Anatomy, Dental Materials, etc. Para sa Oral Anatomy, kailangan mo ng mga wax carvers — nabibili ito sa mga dental stores. Mura lang naman ang mga ito dahil local lang ang kailangan mo. Kailangan mo din ng mga plaster bowls, spatula, etc. para sa dental materials. I’m sure magbibigay naman ng listahan ang prof ninyo.

  19. hello Doc T,
    i am a licensed dentist..i am not into clinical practice for 13 years now..i wanted to try to teach in a dental school…can you give some experiences you had in teaching dental students? i dont have experience in teaching in large groups, im just used to teaching my son for his elementary lessons..
    can you also suggest dental schools that i can apply? do you know any openings for instructors in any dental schools? i live here in manila..thank you so much for your help..

    • Maybe you can try in the school where you graduated from. I don’t know with other dental schools but in our case, the school has a committee which “scouts” for alumni who can teach.

  20. Hi Doc T! congratulations sa site mo! more power! madami mo po kayong natutulungan. dito po kami sa kuwait nakatira and will be in manila next month. we will be looking for a pediatric dentist. Per the listing, may isang pe-den sa asian hospital. that’s good!
    Doc T, gusto ko po sanang ikonsulta yung ngipin ng anak ko (she’s 3yrs
    old). nagkaroon ng aksidente sa bahay namin at nadapa sya. tumama yung nguso nya sa hagdan at nabali yung isang front tooth nya. though, nagpunta na kami sa dentist (not pediatric dentist) and they cleared my daughter. they did not touch the gums dahil fresh pa daw yung sugat at umiiyak ang anak ko. traumatic daw sa bata. but they checked the loose tooth at sabi buo naman daw yung ngipin na nakuha ko. they gave antibiotics and analgesic for the swelling. so far, normal naman po ang anak ko at hindi nalagnat. parang walang nangyari.
    i’m worried na baka may naiwang ngipin (yung kaputol ba, kahit maliit) and it may cause infection. i want to send some photos thru your email, if possible. Thank you for your response, Doc T! mabuhay ka!

    • Mas maganda sana kung magpa-xray sa area kung saan natanggalan ng ngipin ang anak nyo. Sa ganoong paraan, makikita yung may natira na ngipin sa ilalim ng gilagid. Pero very rare na matatanggal ng buo ang ngipin after a fall unless sobrang lakas ng impact ng pagkakabangga at hindi bali ngunit na-knock out lang yung ngipin mula sa pagkakabaon nito sa buto.

      Maari naman po kayo magsend sa akin ng picture pero mas mainam talaga muna na makunan ng x-ray ang anak ninyo.

  21. hi doc.. nag pabunot po kasi ako ng ngipin,, pero na notice ko po na may matigas n part n parang kapirasong ngipin po dun sa socket, nag woworie po ako kung anung gagawin…

    • Ipa-xray mo yung area na binunutan. Baka may naiwan na parte ng ngipin.

    • Doc ganyan din po ang experience ko nang nagpabunot po ako parang may natirang ngipin din po,sinabi ku naman po don sa dentist sabi po nya buto lang daw po ng gums hindi naman po nya tinignan ng maayos aka Hindi po ako mapalagay ksi po parang ngipin po talaga na natira, ano po ba talaga maniniwala pu ba ako dun sa dentist na talagang buto lang ng gums ito? Salamat po

  22. gud am doc T, ask q lng po ano pwde inimin a antibiotic sa masakit na wisdom tooth? papabunot q sana aftr mawala pain tskA may cracked na po xa kya din sumasakit.. makano po kaya pabunot sa wisdom tooth? tnx po!! Godbless..

    • nag ta-take na po aq NAPROXEN SODIUM, impacted wisdom tooth pla xa๐Ÿ˜€

      • Kung wala kang lagnat, I don’t suggest taking antibiotics without being seen by a dentist.

        Kung impacted yang ngipin mo, nagre-range from 4000 up (depende sa lugar ng clinic at sa expertise ng gagawa) ang procedure.

  23. may tanong lng ako,nttkot kasi ako..ngpabunot kasi ako sa bandang bagang tpos after nun knapa ko pgdting sa bhay,prng my ngipin pa na ntira..lalabas pb un? ano ba kya ung nkapa kong mtigas? mkksama ba un? nttkot kasi ako bmalik agd dun sa dentist,24hrs plng kasi nkalipas

  24. Doc may tanong po ako. Yung mga dental schools na nabanggit nyo,tumatanggap din ba sila ng root canal therapy? Isa pa pala, nagpa-pasta po kasi ako noon tapos sabi malaki daw yung part na kaylangang pastahan, so yun, pinapastahan ko. Then after 2 mos. nung nag chewing gum ako natanggal. Nung bumalik ako sa dentist, kaylangan na daw ipa- root canal. Naisip ko mahal yun. Lumipat ako sa ibang dentista and pinastahan lang nya. Ngayon yung part ng ipin ko, sumasakit. Kaylangan ko na ba talagang ipa-root canal yun?

  25. thanks sa info doc T…laking tulong mga advice nyo at information na kahit wala kami masyado alam natututo kami sa mga explanation nyo.keep it up!!!!

  26. Hi, Doc, ask ko lang po kung may remedyo pa po un nakausling malaking gilagid o ngipin na dahilan ng pagkakaroon ko ng malaking nguso katulad po nun kay budoy dati. salamat po

  27. doc….i really like your site and your way of helping others sa mga info n sinasabi mo. doc ansakit ng left central incisor ko.before napastahan n to. I am afraid n baka i pa rct n to ng dentist. auko sna xe di ba rurupok ung teeth pag ganun. panu na…??huhu

  28. hi po doc pwede po humingi ng tulong kse po nagpa-medical po ako sainaplayan ko abroad at di po ako cleared sa dentist dapat po papalitan ko na jacket ko,2 po yun sa harap.pls. po doc pwede po magpa refer sa inyo kung san po may murang jacket kelangan ko na po matapos medical pra mgwork dami na po kmi utang kya po sna may irecomend po kau na mura lng kelangan na po sa madaling panahon.email ko po simplyamazinglady77@yahoo.com pls help me po tenx po

  29. First and foremost, gusto kong magpasalamat sa iyo Dr. T. Napaka-informative ng iyong blog. Isa kayong mabuting tao at bihira na un ngayon sa ganitong panahon.

  30. Doc, gusto ko po magpaconsult sa isang bihasang dentista para makapag-advise sa akin ano ang dapat na gawin sa aking ngipin. Hindi po ako masyado conscoius sa aking dental health dati pero ngayon narealize ko na importante sya sa buhay natin. Gusto ko din po i-correct un disalignment sa ngipin ko. Tama po ba na una akong bumisata sa orthodentist (UP College of Dentistry grad School) before general dentist? Dpat na po ba ako magpa dental x-ray prior to my visit sa aking denstista? Ang inyong payo po ay isang malaking tulong para sa ikabubuti ng aking aming dental health.

    Looking forward for your response.

    Liza

  31. DOC T๐Ÿ™‚ gusto ko po sana mag-pa-retainer, kaso… gusto ko po muna kumunsulta muna sayo๐Ÿ˜‰ tnx po kase naligaw po ako sayong site:D nagreresearch po kase ako about sa retainer at aksidente ko pong nahanap itong site mo๐Ÿ™‚ DOC T , please help me po. may mga sungki po kase ang aking mga ngipin.. wat should i do po ? hope you help me..๐Ÿ˜€ thanks.

  32. DOC T panu po kung ngpabunot po ako tapos may natirang maliit na ngipin sa pinagbunutan?anu po mangyayari?delikado po ba yung ganun?anu po dapat kong gawin?

  33. Doc T advice naman oh yung jacket ko kasi parang malapit na matanggal ano po gagawin ko?

  34. Evangeline O. Villeza

    Doc…gusto ko lang pong malaman kung mga ilang taon ang bata bago magkaron ng permanent teeth, yung baby boy ko po kasi ay binunutan ng ngipin sa harapan 2 years ago na po..dahil sa nahihilo po pag ng mimilk feed siya eh till now wala pa po siyang teeth, mag fi-five years old pa lang po siya sa August. Salamat po..

  35. Evangeline O. Villeza

    Docโ€ฆgusto ko lang pong malaman kung mga ilang taon ang bata bago magkaron ng permanent teeth, yung baby boy ko po kasi ay binunutan ng ngipin sa harapan 2 years ago na po..dahil sa (nangingilo) po not nahihilo po pag ng mimilk feed siya eh till now wala pa po siyang teeth, mag fi-five years old pa lang po siya sa August. Salamat po..

  36. Doc
    mag kano ang tuition na nagastos nio sa pag aaral ng buong dentistry?

  37. Evangeline O. Villeza

    Salamat po sa reply…matagal po pala bago siya tubuan…

  38. Doc T., Nakakatuwa naman nahanap ko ang site niyo. Matagal na akong naggoogoogle kung ano ang mga pros and cons sa pagaaral ng dentistry. Sa tingin niyo po ba worth it lahat ng hirap niyo nung nagaaral pa lamang kayo at natutuwa po ba kayo sa inyong trabaho?

  39. sa UP ba kayo nag-aral Dr. T? anong batch?๐Ÿ˜€

  40. hi. im a registered nurse & midwife. Planning to take up dentistry. anu po pwede nio maging advice? maganda po ba ang opportunities ng dentist here in the phil and us or canada? wat are the pros & cons in taking up dentistry? thank you.

  41. DOC T!๐Ÿ™‚ Sa tingin niyo po ba okay sa University of Baguio mag take ng Dentistry? High school pa lang po ako. Gusto ko po talaga itake yung course na yan. Ano po maipapayo nyo sa akin? At pano po ba nagsisimula lahat yun? Thanks po!๐Ÿ™‚

  42. Good morning po doc t! Dito po kami sa australia ngayon at uuwi po kmi ng pinas next month para po pumunta sa isang pedia dentist. Mas mura po kasi sa pinas unlike here. Puede nyo ba akong bigyan ng referral kung san puede pa-consult although nacheckup na po ang daughter ko dito na turning 4yrs next month at sabi na out of 20 na ipin nya need na matanggal ang 13 na ipin. Sa san pedro, laguna po kami nakatira sa pinas. May pedia dentist po ba kayo na marerecommend near sa place namin. I am trying to browse the internet looking up for a pedia dentist until na makita ko ang website nyo. Could you pls. help me about my concern…thank you and hope for your reply soon..ang flight po namin sa sept.7 at 5-weeks po kami magstay sa pinas…godbless…

  43. Hi! I would just like to ask if you have any idea how much would it cost me if magpapalagay ako ng braces sa UP Dentistry students. Thank you!๐Ÿ™‚

  44. hi doc.
    Nagapabunot po aku nung thursday then nung saturday namaga po sya affected dn po ung pina jacket ku nung january pa,masakit dn po un at namamaga. Ano po ba magandang gawin dun affected napo kc yung right nose ku.

  45. hello doc may tanong lang po ako kase balak ko sana magpabrace kaya lang balak ko din mag abroad maipapagpatuloy po ba ulit sa ibang bansa at maghanap ng ibang dentista kung masakali magpalagay nako dito basta po ba dala ko yung dental records ko para tipid ang gastos? o di kaya may alam po ba kayo clinic sa hongkong na mura lang magpadentist maraming salamat po doc

  46. Doc T, para saan po ba ang retainers? nakaka ayos dn po ba to ng ngipin bsta mamaintain? thank you po..

  47. doc t, san po ba pwedeng magpabunot ng mura ang anak ko na may impacted tooth, sinisingil po kc siya ng 5k, eh di po talaga namin kaya. nag sa suffer po talaga siya sa sakit. thanks doc t, sana po matulungan nyo kami kung saan. God bless po.

  48. Hi doc๐Ÿ˜ฆ , totoo po nyan wala ako confident kasi ang panget ko na tas pag ngumiti papo ako eh labas gilagid ko๐Ÿ˜ฆ napansin ko po na di tama ung shape ng upper ko๐Ÿ˜ฆ gusto ko magpabrace kaso mahal , anu po kaya alternative way para dito๐Ÿ˜ฆ

  49. supportahan kita doc. T,, tanong ko lang po kc gusto ko na maganda tubi ng permanent teeth ng anak kong 5years old. pero napansin ko parang sungki na yung tubo ng isang ngipin. paano ba maiiwasan ang pagsungki? dapat bang ipabunot ko n milk teeth nya? or anong pwedeng gawin ko para maiwasan un. thank u

  50. Hi doc san po ba mura pa jacket bridge? Tnx po…

  51. Hello po dra. My daugther po ako n 4yrsold my sira po kc yung ngipin nya sa harap…inaasar po xa kc.pag nasira n dw yun ng tuluyan panget n xa.i was wondering po kung ipapabunot po b yun tutubuan agad ng bago..yung pinsan ko po sa canada binunot lahat ng ngipin ng anak nya sa harap para dw tumubo sabay sabay at pantay…pwde po b yun?pls help po salamat

  52. may katanungan po ako bakit po ganon kaht lagi ako umiinom ng mga antibiotic o amoxiccillin bakit ganun nawawala na un kirot niya pero kapag nababangga po xa ng dila masakit saka maga padin yung gilagid pero di na xa kumikirot saka nagkaka singaw na nga po. ANO dapat ko gawen gusto ko na ipabunot kaso may maga padin po. HAYS sanabo mahelp nyu ako s problema ko ..mraming salamat po.

  53. Mimaii Cipriaso

    Doc T. Want po namin nang kapatid ko magpabrace. Saan po ba pwede yung kaya po nang budget namin. Pwede po sa mga dentistry school? Taga cavite po kami. Eto po email ko Doc T. Cipriasoarmina@yahoo.com.ph

  54. Sana po magreply kayo Doc.

  55. Gud day doc! Ask ko po kung anong dental procedure ang dapat gawin sa 2yr old kong anak na sira n ang ngipin sa harapan? Nangingitim po yung likod ng ngipin nya. Bina- brush lo nman po ang ngipin nya. Gusto ko po mlaman kung ano pwede gwin para mtnggal ung pangingitim ng likod ng ngipin paraganda smile nya

  56. Doc bakit gnn nbunutan na ipin ko almost 1year na pero pag malamig masakit pdin ung sa pnagbunutan

  57. hi doc. pls reply po. nakakaganda rin ba ang retainer sa ngipin??

  58. hello po. kapag po ba class 5 ang case talaga pong palagi na lang matatanggal ang pasta nito o meron po bang klase ng pasta na talagang makapit po sa mga ganitong cases n kagaya ko po. sana po masagot nyo itong aking katanungan, salamat sa kabutihan mo dr T๐Ÿ™‚

  59. Doc T, masakit po ba magpa retainer?? salamat po..๐Ÿ˜€
    \

  60. helow po doc,un anak ko po hinila ng klasmate nya at sya po ay nasubsub s semento,tumama po un harap ng ngipin nya at un isa ay nabali,my natira kalahati,ask ko lng po kung ipabunot po ba ay tutubuan pa sya ng ngipin?sa edad nya na 9yrs old po.

  61. DOK MAg kano po mag pa jacket? yung mura lang sana at saan?

  62. Sheila Joy Malaque

    Doc T. Proud po ako sayo dhil nkkatulong kayo sa mga taking may problema sa knilang ngipin.thankful din po ako at nhanap ko kau.
    Gusto ko po sanang mlaman kung anong ggawin ko kc nagpabunot ako long ago na tpos my ntira na mliit tapos nging rotten n po ngayon po sumasakit na.pls po wait ko advice nio.thanks

  63. Doc T, salamat po sa blog po na ito. Nabasa ko na po ang iba niyong mga post dito. Isa rin po ako sa karamihan na nangangarap maging dentista. Nakita ko po kase ang aking dentista na masaya siya sa trabaho niya. May braces po kase ako kaya monthly ako pumupunta sa clinic ng dentista ko po. Mula noon po, napagisip isip ko na gusto ko rin maging katulad niya. Masaya, masarap ang buhay. Napagisip isip ko rin po na kung sakaling makapasa ako ng board exam ay mayroon na po akong clinic na mapagtatayuan. Ang tanging problema ko lang po ay hindi po ako katalinuhan. Pero alam ko naman po na pag gusto ko ang ginagawa ko at determinado ako, makakamit ko po ang tagumpay.

  64. DOC T. Next week po ay mageenroll na ako sa isang eskwelahang nag-o-offer ng Dentistry sa kamaynilaan, pero kinakabahan po kasi ako sa mga SUBJECTS na makukuha ko, may alam po ba kayo sa subject ng incoming freshmen?

  65. Doc T ano po pinakamabisa gamot para mabawasan sakit ng tumutubong wisdom tooth o para sa akim tawagin ko syang super pain tooth!

  66. ano po pinakamabisa gamot para mabawasan sakit ng tumutubong wisdom tooth o para sa akim tawagin ko syang super pain tooth!

  67. I am working on a possible new advertising project for a client from San Francisco CA. I am looking for a dentist (could be a new graduate or a student) who we can train to be savvy on social media. So the ideal candidate would be a dentist who blogs, or is on facebook or pinterest often.

  68. Jessah Mae Ramos

    goodmorning po! itatanong ko lang po sana kung ano po pwede nyong i-advice sakin. kasi po namamaga po ung gilagid ko sa tapat ng sirang ngipin ko po (ung sa bagang po, left side) noong nakaraang huwebes po, wala nman akong nararamdamang sakit tapos simula po kagabi, linggo, sumakit na po sya derecho po sa ulo ko. ano po ba pwede kong gawin? natatakot po ako baka lumaki ng lumaki ung pamamaga kgaya ng napanuod ko po dati. sana matulungan nyo po ako. mraming salamat po!

  69. Hi po dok, ask ko lang po sana kong pwedi ba mag pa bunot ng ngipin ang anak ko he is 4 years old.. ang kina tatakot ko lang ko kc ay sa bagang nya. May butas na kc at masakit na dAw .. Ok lang po kaya kung ipapa bunot ko hindi po ba maapektohan ang bata?

  70. Doc T. kakabunot lang ng bagang ko. pero pakiramdam ko na may natira pang ipin. possible po kaya na bone po yung nakakapa ng dila ko? Sabi naman po ng dentist after niya ko bunutan roots daw yung nakakapa ko.
    Doc T Color white po yun and patulis.
    Mraming salamat

  71. Doc T magkano po b ang difficult extraction? Saka ano kya ang pde gawing sa mga bulok kong ngipin? Mahal po kaya?

  72. Doc, ask ko lang po nadapa ako sa semento tas tumama ung ngipin ko. Parang nabawasan ng 1/4 sa baba poh.. Pero buo po ung ngipin q, nabasag lang ung baba at nabawasan.. Nde naman poh masakit.. Normal lang pakiramdam.. Kaso nakakangilo pag umiinom ng mlamig o maint.. Ano poh kaya dpat gawing treatment dito.. Tlga po bang bubunitin na ung ngipin ko kahit owkei naman yun nga lang, ramdam q sa dila kong may basag.. Slmat doc..

  73. Doc T ano po dapat kong inumin namamaga po kase ung gilagid ko gawa po ng wisdom teeth makirot po lalo na po sa gabi

  74. good day po doc.gsto ko lng po mgtnong kung saan hosp or clinic mas mura ang mgpsedate.sa fe del mundo po kc estimate nla is 46k ngpmhal po kc ung crown..ppero pwede po b un pgusapan ng parent and ng dentist n kung pwede bunutin nlng instead of crown..kc po ung sa anak ko six months n after mgpachek po kmi sa pedia dentist,ung mga dapat ika’ crown is bulok n din.sana mtulungan nyo ako mkhanap ng clinic n mas mkkmura po ako at ung di mllgay ang bta sa alanganin.tnx po..

  75. Hi Doc. Nagpabunot anak ko kahapon 3 molar teeth pero lahat naman baby teeth pa. So sabi ng doctor since sira na and sumasakit na kailangan na iextract. So she did. However during the extraction she said na may ititira daw siya parang root, it was a jargon word na hindi ko na matandaan. Sabi niya ilalabas naman daw yun ng kusa kasi on the way narin yung new teeth. Nung sinilip ko siya today may nakita akong mga maliliit na teeth na parang naiwan at parang hindi inextract ng mabuti. Hindi naman nilalagnat anak ko though namamaga tlga mukha niya. Please let me know what to do. Pababayaan ko lang ba to at trust tge dentist o i have to consult to other dentist?

  76. Jenny Pearl Vaรฑoc

    Hello po doc!
    Ask q lng po ung baby q nasusub ang bibig nya s chair…pagkatpos ng isang araw may napansin po aqng nakabitin na gilagid…ayaw po matanggal anu po ggwin q?

  77. kahit di po ba ipabunot ang sirang ngipin ng 6 years old na bata kusa po ba xa malalaglag o maitutulak ng permanent teeth na papalit?tnx po

  78. hi doc mga ilang araw po pwedeng mag pabunot uli nag pa bunot kasi ako netong march 5 friday please reply po asap

  79. analiza cabesas

    Doc,spaces ung ngipin ko anung sulusyon nito.pwedi ko po ba ito ipa braces

  80. HELLO PO. SANA PO MASAGUTAN(ASAP)

    Tanong ko lang po, ano po mga dahilan kung hindi nagpupunta ang mga bata sa dentista? For thesis lang po…๐Ÿ˜‰

  81. Doc t possible pa po bang mabuhay yung ngipin na natangal ng buo at kinabit ulit pero nkalipas na po ang usang araw pero binabad ko po xia sa gatas. . .salamat po

  82. Hi ask ko lang po. Kasi po nag pa pasta na po ako dati tapos nagpalit ako ng dentist kasi nagpalit din ako ng braces wala kasing improvements sa ngipin yung braces ko galing sa luma kong dentist. After a year biglang sumakit po ng sobra yung napastahan na ngipin ng luma kong dentist po tapos nung pinatignan po namin sa bago kong dentist sabi mali man daw po ginawa at grabe na daw pressure. Sabi nya baka daw may nana kaya dapat alisin. Masakit po ba yun? Takot po kasi ako sa mga ganyan.

  83. bkt po ganun namamaga ung gums ko at may nana pinabunot ko sa dentista ung bagang ko nawala ung parang bukol sa gums ko pero after 3 days sumasakit pa rin ang ipin ko nbun0t n pero nkirot p dn po 3 weeks n p0ng gan2 pti ung tenga q po kumikrot dn

  84. Hi doc.. Girl po ako, never ko po naexperience sumakit ang ipin kya mejo confuse po ako kc parang pati jaw at leeg ko masakit.. 2009 po 1st time ko maranasan yung sakit ng wisdom tooth sa baba and mom told me na masakit dw talaga yon, after ilan days ok na, mga ilang buwan o 1yr masakit n nmn po siya same place parin po ng wisdom tooth ko and ngayon 2015 na po sobrang sakit na po siya same place parin po sa 2011 parang di po siya lumalabas ng buo pero nkkita ko po na parang yung gums ko crack na.. Super sakit po ng ipin ko at gilagid, lalo na po yung panga ko at maga na rin po mga lymph nodes ko.. diko po maopen ng maayos yung bunganga ko at dipo makakakain..

    Meron pa po doc, yung 4 teeth sa baba ng harap ng ipin ko yung likod niya parang nag iba na yung color mejo yellow na siya and minsan po natakot po talaga ako kasi tinry ko po siya linisin and yung part na ipin na nakadikit sa gums is naputol ng maliit pero buo prn po teeth ko yung likod niya lng po yung naputol d rin po siya nagkaspace or ano and nung hinawakan ko ang dali niya pong putulin… Thanks doc!!! Excited po ako sa reply niyo..

  85. Pwede po magtanong?

  86. Magandang araw po, sana matulungan nyo po ako. Tinutubuan po kasi ako ng wisdom tooth. Hindi nmn po sya masakit nung una lang po tapos po, tinubuan po ako ng bukol sa leeg, di ko po alam kung kulani ito o ano dahil matigas sya at di gumagalaw sa pwesto, mga 4*5 inches po ang laki, posible po ba na sanhi po to ng tumutubo kong wisdom tooth? 3 days narin po akong nilalagnat. Salamat po

  87. mary ann baรฑoc

    DOC ILANG ARAW MULI BAGO MAGPA BUNOT NG NGIPIN?APAT PO KASI BUBUNUTIN SA AKIN DAHIL SA BRACES KO.SALAMAT DOC T….GODBLESS

  88. pwdi po bang ipabunot ang pudpod at namamagang ngipin ? and do i really need to have a tooth xray?

  89. pwdi po buh ipabunot ang pudpod at namamagang ngipin? and kailang pa po talaga nang xray pagpudpod na ang tooth?

  90. Gud day Doc,,, Nagpabunot pog kac q ng ngipin,,, pero mg singaw pa poh,, ok lang poh ba yun?? anu poh kaya gamot dun??
    salamat poh..

  91. doc, gud pm po, ask ko lang po, kc ung pinsan ko nagpa bunot ng ngipin sa mga dentist nung may medical mission sa aming brgy, ang kaso po di nawawala ung kirot po, may gamot na binigay para inumin, pero po pag wala ng bisa ang gamot makirot na ulut ngipin nya, until nalaman nya na may natira palang ngipin, di natanggal lahat.. Pangalawa sa bagang ung binunot po, ano po ang dapat gawin ng pinsan ko?
    Salamat po, more power.. God bless..

    Sana po matulungan nyo ang pinsan ko..

  92. doc,anu po ba ang dapat gawin pagtumubo ang wisdom teeth? anu ang mga lunas nito?

  93. hi doc nagpabunot po ako may nakakapa po ako na prang may naiwan.pero sinabi ng dentist na buto daw po yun at wala naiwan totoo po ba na my buto na pinaglalagyan ang ngipin na pwedeng lumabas after bunutan
    salmat po doc sana masagot nyo tnong ko

  94. Hi doc goodevening. Im here at A.U and i have a retainer! Pero kagabe po habang nililinis ko sya gamit tbrush ko! Bigla posyang naputol. Panu kopo ulit ikakabit un??

  95. Doc ask ko lng po nag pa bunot po kase ako last week pa pero di papo sumasara yung gum tapos sinilip po ng ate ko sabe nya po parang may naiwan pang ipin doc ano pong pwedeng gawin dito ang sakit po kase at namamaga salamt po

  96. doc t. may tanong po ako kc nagpabunot po kmi ng ipin tapos namaga po ung pisngi ko di namn malaki maga pro masakit tapos may nakapa akong ipin na natira nubg. umalik kmi sabi ng doctor buto lng daw un ng ipin. ganun po ba yun?

  97. Ana Marie Austria

    Hello po doc..blessing for me n nkita ko tong site nato.may ittnong lng po ako.may one year old and 8 months po akong baby ,,tpos ung front teeth nya po ay nabasag o naputol pero sagd tlga ung pgkkputol nya pero nkakabit p nmn po ung teeth nya.pilit nyang tinatanggal kc nga po umuuga na.ngwoworry lng po ako.ano po ggwin nmin?db bawal pa po mgpabunot at his age?

  98. Collin Villanueva

    Dentistry po ang kukunin kong course more on science po ba ang dentistry? Sobrang hirap po ba ng mga pinag aaralan?

  99. Anu po pwd gamot myrn tumubo n bukol s gum q po?

  100. Doc nasakit po ngipin ko pag katapos mag toothbrush pero wala naman po sya sira ? Ano po kya gagawin ko?

  101. Doc, ilang taon po ba pwede malagyan ng braces ang isang bata, may anak po kc ako 11 years po medyo osli po ung ngipin kaya minsan natutukso na rabbit, palalagyan ko po sana ng braces kaso nag alangan ako baka d pa pwede.

  102. Good afternoon Doc, ask ko lang po sana kase yung dent ko naputol nung january 17, 2016 tapos pinadikitan ko po ito sa dentist ko nakuha ko po kinabukasan jan.18,2016 tapos nung jan.23 umaga ng magtotooth brush ako naputol po ulit dun sa mismong pinagdikitan . kapag ibinalik ko po ba yun sa dentist ko free na po ba yung pag[apadikit. medyo masukit kase yung dentist ko . actually nung pinastahan nya ako 2 ngipin tapos sabi nya papantayin nya daw yung ngipin ko para di mahalata 1 week na po doc masakit ang ngipin ko dun mismo sa grinide nya ano po kaya dapat kung gawin ? salamat po !๐Ÿ™‚

  103. Magandang umaga doc.. tanong ko lang sana ano kaya ang posibleng dhilan ng pananakit ng molar ko sa baba na wala naman sira.. sumasakit sya kadalasan pag nakahiga ako lalo n sa gabi.. tyaka naging sensitibo ang aking mga ngipin. Madalas ay nangingilo. Salamat po..

  104. Good morning Doc T, I’m a dentistry student pwede po bang mag survey? Tanong ko lang po kung ano pong gamit o meron kayong gamit sa pag dedentista na ginagamitan ng technology na kailangan pang iimprove. Thank you po.

  105. Hello po. Kakabunot lang po ng 2 kong ipin upper right. Napansin ko po na matigas pero d ko po sure kung ipin yun na natira after extraction. After 30 mins ng bunot tinawagan ko yun dentista ko about sa dun sbi nya buto daw po un. Paano ko po malalaman kung may natirang ipin na maliit sa loob ng gums? Mag sasara po ba ito or mag bubukol? Sana po maka pag reply kayo agad. Thanks

  106. Doc T sumasakit lalo ung harapang ngipin ko pag pinipindot ko ung ilong ko tapos may isang tumutubong Nana sa mismong gilagid ng sumasakit kong ngipin,bakit po kaya ganun?

  107. Doc T magandang buhay po. ask ko lang po puwede po ba talaga ipabunot ang ngipin kahit masakit ito at medyo paga sya malaki na din po ung butas ng ngipin ko.. tyaka po mga magkano po ang magagastos. thanks po. more power po.๐Ÿ™‚

  108. Magandang hapon po doc.. mejo matagal tagal ko ng problema ang akin wisdom teeth. Nun una sumasakit sya, pinatignan ko sa dentista sabi baka daw ngrreflect lng daw un skit sa isa qng ngipin na may sira din. Binunot un sira qng ngipin at nilinisan ang wisdom teeth… nwala naman ang sa una, pangalawang anggang tatlong buwan, sumakit na naman un wisdom teeth ko.. ang sabi ng dentista, may maliit ng butas ndaw kaya ginawa nia nilinisan at pinastahan.. sabi nia ndi nadaw sskit un… ngayon lumipas ang 2 buwan sumakit ulit gaya ng dati na nrramdaman kong sakit… nkkramdam aq ng pain pag nakahiga ako sa gabi anggang sa umaga.. pag inunuman ko ng pain reliever nwawala naman… peo bumabalik padin.. ang tanong ko doc.. ano po kaya ang posibilidad na problema ng wisdom teeth ko… sana po mabigyan nyo aq ng konting idea bago ako humanap ng bagong dentista… salamat po and god bless..

  109. good pm po.. doc t ask ko lang po kapag po ba ang ngipin ng bata ay kusang nataggal at may naiwan kusa rin po ba. Matatanggal ito?

  110. Hi doc kaka pabunot ko lng po ng ngipin nung last tusday dto sa qatar until now maga pa din sya. Wisdom po ang pinabunot ko thanks

  111. hi doc t
    may tanong po ako last wek po naaksidente ako sa minamaneho kong motor
    nabali po ang isa kong ngipin
    uminom naman ako ng mefinamic para mawala pamamaga ng gums ko pero masakit po sya pag ikakain
    kailangan ko ba to ipabunot ang kalahati kase sayang pag pinabunot eh

  112. jibril guiamlod

    doc natural lng ba un buto na lumalabas pag nagpapabunot ng ngipin.

  113. Hi dra ask ko lang ano po ba possible cause ng pagsakit ng ngipin ko tuwing gabi sa lower pang limang ngipin right side kahit na root canal at napasta na po sya naka brace po ako nag start sya sumakit after na matanggal yung bracket dun sa portion ng tetleth na yun..fully paid na po aq sa dentist ko kaso naka out town po sya pwede ko po kayang patignan o ipagawa sa ibang dentist..ano po kaya possible cause nito since proper hygine naman po ginagawa ko sumasakit sya 4 days na tuwing gabi after ko mag toothbrush nag worry din ako sa kakainum ko ng mefenamic tuwing gabi baka ma immune na po aq..ano po ba magandang gawin doc…

  114. Hi dra ask ko lang ano po ba possible cause ng pagsakit ng ngipin ko tuwing gabi sa lower pang limang ngipin right side kahit na root canal at napasta na po sya naka brace po ako nag start sya sumakit after na matanggal yung bracket dun sa portion ng tetleth na yun..fully paid na po aq sa dentist ko kaso naka out town po sya pwede ko po kayang patignan o ipagawa sa ibang dentist..aino po kaya possible cause nito since proper hygine naman po ginagawa ko sumasakit sya 4 days na tuwing gabi after ko mag toothbrush nag worry din ako sa kakainum ko ng mefenamic tuwing gabi baka ma immune na po aq..ano po ba magandang gawin doc…

  115. Maari bang magkaroon ng wisdom teeth ang 15 years old??

  116. Good day po tanong ko Lang po Kung masama po ba Kung may naiwan pa na kapirasong ngipin sa gilagid ko? Nagpabunot po ako magdadalawang linggo na po. Napansin ko po na may matalim sa gilagid ko,cnubukan ko po tanggalin kaya Lang po nakadikit sa gilagid ko. Sabi ni mama wag ko na daw galawin baka ma-infection..Kung natanggal naman daw po yung pinaka ugat cguro naman daw po Hindi masama. Kaya lang po ndi ako mapakali,naghilom na po yung gilagid na pinagbunutan kaya lang po nakakapa po ng dila ko yung natirang ngipin natakpan na po ng gilagid ko. Makakasama po ba Kung hahayaan ko na Lang na Hindi nalang po tanggalin yung naiwan ngipin? Sana po masagot nyo po at matulungan nyo po ako thanks in advance po more power God bless po.

  117. Doc T , inopera po sakin yun impacted teeth ko pero yun tinahi po ay natagtag naka buka yun inopera sakin , need some advice naman po , tatahiin po ba ulit to?

  118. Doc T ,

    Hello po ,nag pabunot po ako ng ngipin ngunit matapos po ako bunutan napansin ko po na hindi nya nabunot ng lubusan ang ngipin ko sa may taas bandang sulok , at sa ibaba sa bandang dulo . Hindi na po ako ulit nag lapit sa kanya para ikonsulta ang nangayri , ang inaalala ko po kung maghihilom po ba ito ay matatabunan ng gums yung naiwan na ngipin o maari po ba kaya itong mabunot pa?

  119. Doc ano pong gagawin kapag namamaga ang gilagid magang maga napo sya?

  120. Masakit po ba ang wisdom tooth ? Nhihirapan po ako lumunok at nmamaga po sya e ๐Ÿ˜ข

  121. Hi doc T. May concern po ako abiut sa anak ko 4yr old na xa.sumasakit na ung teeth nya.may butas na kc ung bagang nya.ask ko lang po doc if pwedi na ba siya bunutan ng ngipin?taga san oedro laguna po ako doc meron po ba kau pwedi ma e refer sa akin na pedia dentist??tnx doc wait po ako sa repky godbless!!!!

  122. ask ko lang po yung ngipin ko po kase bulok na talaga as in sa gums nalang yung natitira mabubunot paba yun? masakit po ba pag pinabunot ko yun?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s