Wannabe Dentist

Pangarap mo bang maging Dentista?

Ano nga ba ang pwede kong i-payo sa mga balak mag-aral ng dentista bukod sa mag-isip ng isang milyong beses? Hehe. Para sa inyong kaalaman, hindi lang utak kundi sangkatutak na tiyaga at pasensya ang kailangan para matapos mo ang kursong Dentistry.

Bukod sa pag-susunog ng kilay e kailangan mo ng tiyaga para mag-practice magprepare ng pasta, linisin ang kasulok-sulokan ng ngipin at maghintay sa mga pasyente mong madalas mang-Indyan. Kung ako ang tatanungin, mas madali pa ang mag-Medicine kesa mag-Dentistry. Alam ko na magkakaroon ng violent reactions mula sa mga doktor ng medisina pero bago niyo ako kuyugin e i-try nyo muna maging dental student muna. Sa pag-aaral ng Dentistry, hindi lang sa’yo nakasalalay ang pagpasa o pagbagsak mo kundi sa mga pasyente mo lalo na sa Clinical years ng kurso na ito.

Continue reading

Advertisements

Pediatric Dentists

Ang mga sumusunod na Pediatric Dentists or dentista para sa mga bata ay rekumendado ng Your Dentista. Hindi basta-basta nagrerekumenda ang Your Dentista ng mga ibang dentista na hindi namin kakilala o hindi namin alam ang credentials.

Paalala lamang: Mas mabuting i-contact o tawagan ang mga numero ng mga klinika ng mga dentistang nakalista dito bago pumunta sa mga klinika nila. Ang ilan sa mga dentista dito ay tumatanggap ng mga pasyente ngunit by appointment basis lamang. Ibig sabihin, kailangang magpa-tala o magpa-schedule muna bago pumunta sa kanilang clinic.

Continue reading

Dental Veneers

May mga ilan-ilan na rin ang nagtatanong sa aking tungkol sa dental veneers o laminate veneers.

Para madaling ma-imagine ang konsepto ng veneers, maaring ihalintulad ito sa pekeng kuko o fake nails. Halos pareho lang sila dahil pinapatong lang ang veneers sa ibabaw ng ngipin tulad ng fake nails na inilalagay naman sa ibabaw ng kuko. Siyempre, hindi mo nga lang pwedeng lagyan ng kyutex ang dental veneers hehe.

Maraming mga artista at sikat na personalidad ang nagpalagay ng dental veneers dahil madalian nitong napapaganda ang itsura ng harapan ng ating mga ngipin. Isang magandang pagpapaliwanag tungkol sa iba’t ibang klaseng dental veneers ang isinulat sa website ng Pinoydental na pinamagatang: Ano Ang Dental Veneers?

Basa mga kaibigan! ­čśÇ

Phobia sa Dentista

Continue reading

Kwentong Dentista: dahil hindi ako barbero

Kamusta at welcome sa aking munting site.

Isa akong dentista at sa araw-araw na pakikipag-usap sa mga pasyente ay nalaman ko na madami ang may maling kaalaman o naniniwala sa mga “myth” tungkol sa pangangalaga ng ngipin.

Minsan nga ay napaka-“outrageous” ng mga paniniwala ng tao sa pag-aalaga ng ipin at kailangan kong um-effort na hindi matawa o masindak. Katulad ng isang lalaki na minumog ang sarili niyang wiwi para daw gumaling ang kanyang gingivitis. (Kuya, subukan mo muna kayang mag-toothbrush?)

Continue reading