Tag Archives: dental schools

Tips para makatipid sa pagpapadentista

Psst…gusto mo bang magpapasta sa halagang PHP 50 lang?

No, hindi chicklet ang ipangpapasta sa iyo pag ganito lang kamura ang ibabayad mo. Kung ano ang pinangpapasta na “silver” sa mga dental clinic ay yun din ang gagamitin sa iyo. Magpalinis ng ipin ba kamo? Basta’t may trenta pesos ka (PHP 30), pwedeng pwede na!

Hindi joke o prank sa Wow Mali ito. Maaring ganito lang ang ibayad mo sa mga dental schools para gamutin ka ng mga estudyante nila na nag-aaral ng dentistry. Teka, bago ka mapangiwi e sisiguraduhin ko naman na merong lisensyado at well-trained na dentista na titingin sa mga estudyanteng gagawa sa mga pasyente. Ito ay para masigurado na tama gagawin nila at hindi mapapahamak ang pasyente nila.

Ano ba ang dapat gawin para makapagpadentista ng mura sa mga dental school?

Continue reading

Wannabe Dentist: The Bottomline

Sa nakaraang post na “Wannabe Dentist” nabigyan ko na kayo ng ideya sa mga iba’t ibang dental schools sa Maynila.

Ngayon, ang tanong pa rin e anong pinaka-OK na piliin na kolehiyo o unibersidad?

Kung desidido ka na Dentistry ang gusto mong kunin sa college, mas maganda kung magpasa ka ng applications sa at least 3 sa mga iskuwelahan na tinukoy ko. Kung sa Maynila ka na talaga nakatira, dapat ikunsidera ang layo o lokasyon mo sa kolehiyong pipiliin mo.

Tingnan mo rin ang performance ng mga nasabing iskuwelahan at ang passing rate nila sa dental board exams. Kadalasan makikita ang passing rate kasabay ng anunsiyo ng PRC sa mga nakapasa sa dental board exam.

Continue reading