Online Dental Boards Review — Handa ka ba dito?

Para sa mga wannabe dentists alam ko na madami kayong ginagamit upang maghanda sa nalalapit na Dental Board Examinations.

Merong mga minemorize na ang alamat na Wells, may iba na halos itabi na pagtulog ang mga piniratang kopya ng Dental Decks habang nananalanging masinghot nila ang mga tanong at sagot para di nila basahin ito isa-isa.

Madami-dami din ang nagkakandarapa na magpa-kopya ng sample exams para sa Dental Board Exams kesyo galing US, Australia–pati para sa dental board exam ng Botswana kopyahin niyo na! Kung naipapalit lang sa pera ang mga na-xerox na handouts at sample exams ay siguro milyonaryo na tayong lahat. Pero sa kasamaang palad e kung hindi ka babaratin ng iyong friendly neighborhood bote-dyaryo boy e magmimistulang Vikings at Buffet 101 lamang para sa mga daga ang mga papeles na iyan.

Ang masaklap pa e nabasa mo ba o nasagutan mo man lang ba ang mga pinaxerox mong yan? O isa na lamang itong pagsasayang ng pera?

Mainam ang mangolekta ng mga sample exams kung sigurado ka na may oras at disiplina kang sagutin ang mga ito bago dumating ang araw ng board exams. Heto ang mga tips ko kung gusto mo na gumamit ng sample exams sa iyong pag-rereview sa boards:

  1. Simulan ang pagsagot sa mga sample exams nang maaga. Ito ang gagawin mong baseline ng iyong naaalala sa mga napag-aralan mo sa loob ng 6++ years mong ginugol sa dental school. Ito ang iyong Pre-Test.
  2. Mula sa resulta ng iyong pre-test, alamin kung aling subjects ka bokya–yun ang una mong aralin at mas gugulan mo ng panahon. Pero take note, alamin din kung etong subject na ito ay critical sa board exam. Baka naman 5 tanong lang usually ang galing sa subject na eto e di ‘wag mo nang karirin masyado.
  3. Dapat may under time pressure ang pagsagot sa mga sample exam para feel na feel niyo na parang board exams na ang sinasagot niyo. Mahirap naman na petiks lang ang pagsagot niyo sa mga sample exams dahil hindi petiks ang totoong board exams. Tandaan, ang paghahanda sa boards ay hindi limitado sa paghahanda upang masagot ang mga tanong kundi paghahanda rin kung PAANO sagutin ang mga tanong.
  4. Lastly, sumagot ulit ng sample exams kapag malapit na ang actual boards bilang Post-Test upang malaman kung gaano ka na kahanda sa eksame.

Kung sa tingin mo e masyadong masalimuot ito, maari naman gamitin ang mga online reviews para hindi ka na maghahanap pa ng sample exams at mag-plot ng scores kada subject

Noong panahon ko, Kaplan lang ang merong ganyan. Ngayon meron na ring tinatawag na Crack the NBDE kaya’t meron nang ibang pagpipilian sa mga online tests. Malaki ang naitulong sa akin nga mga online test na iyan noong magte-take pa lang ako ng boards not so many years ago😛. Ang problema lang sa mga nasabing online tests ay base ang mga ito sa US dental boards. Iba ang nomenclature ng US kumpara sa ginagamit natin dito sa Pilipinas kaya’t medyo nakakalito rin minsan.

Noong nakaraang taon ay may isang review center na naglunsad ng totoong online review na para sa Philippine Dental Board Exams. Bakit ko ginamit ang katagang “totoo?”

Sample ng isang online dental boards review (Crack the NBDE)

Ang totoong online review kasi ay isang simulation kung saan in real time mo sasagutan ang exam gamit ang internet. May time pressure din ito kaya’t nate-train ang estudyante na sumagot at mag-isip ng mabilis para matapos ang exam. Malaki ang kaibahan nito sa ibang review na kinailangan mo lang mag-online para ma-download ang mga sample exams na ini-email sa iyo ng review center. Para ka rin lang nag-xerox ng sample exams nun kaya’t hindi ito ang online review na sinasabi ko.

Ang online review ay isa lamang sa mga mainam na preparasyon para sa dental board exams. Siyempre, madami din ibang pagpipilian tulad ng mga conventional review lectures na dinadaos ng ibang review centers. Dapat lang ay suriing mabuti ang kaledad ng mga review centers para masigurong sulit ang ibabayad ninyo.

3 responses to “Online Dental Boards Review — Handa ka ba dito?

  1. Pingback: Wannabe Dentist Uli: Dental Board Exam Helpful Tips |

  2. I am a graduate of BS Computer Science. Ever since I was a kid, it is my dream to become a dentist. I totally have forgotten about my dream. But now, after 13 yrs of working, I never found the sense of fulfillment. I’ve never practiced my course, I’m in Marketing. Now that I have my own family, my hubby an OFW, was requested to resign from my work. It has been two months and I want to chase my dream if it isn’t too late already. My hubby is supportive of my idea of going back to school and pursue my dream.. I’m turning 34, is it too late?

  3. MAGKANO PO ANG FEE S DENTISTRY RERESHER COURSE AT KUNG GUSTO PO ULIT MAGTAKE NG BOARD EXAM MAGKANO PO MAGAGASTOS S THEORETICAL AT PRACTICAL EXAM. SALAMAT PO.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s