Braces: To be continued…

Ang post na ito ay inspired sa comment ng isa nating reader na si hisnameisdencios (Yihee, special mention!).

Ayon sa kanya:

“may braces ako, usually hindi tumatanggap ang mga dentist pag nailagay na yung braces. gusto nila tanggalin ulit at sila ang mag sstart. problem is, gastos na naman. what if matatapos na na tulad nung sa akin. buti na lang i was referred to someone na ok lang sa kanya. yun lang =P”

May mga ilang pasyente na rin ako na nagtanong kung anong pwedeng gawin kung sakaling hindi na matuloy ng kanyang dentista ang pag-aayos ng kanyang ngipin na may braces. May mga iba na maayos namang sinabihan ng kanyang dentista na hindi na nito maiipag-patuloy ang paggamot sa kanya pero yung iba ay biglang naglaho na lang yung dentista na parang bula.

Ano ba ang dahilan kung bakit hindi naiituloy ang orthodontic treatment (panggagamot gamit ang braces) sa isang pasyente.

Sa panig na dentista ang hindi makapagtuloy, heto ang ilang dahilan:

1. Kailangang magrelocate ng dentista ASAP kaya hindi na maituloy ang gamutan.

2. Nagkasakit/ Namatay ang dentista.

3. Na-feature ang dentista sa Imbestigador kasi hindi pala siya lisensyadong dentista kaya nakasuhan siya ng illegal practice of dentistry kaya napilitan siyang magsara agad ng clinic.

Sa panig naman ng pasyente:

1. Meron siyang hindi nagustuhan na ginawa ng kanyang dentista kaya na-turn off na siya at di bumalik. (Baka nakalimutang mag-deodorant ni Dok! Hehe)

2. Kinapos sa pera ang pasyente kaya hindi na makabalik kasi hindi na niya mababayaran ang installment sa braces.

3. Nagrelocate na ang pasyente at masyado nang malayo para magpabalik-balik uli sa dating dentista.

ANO ANG DAPAT I-EXPECT MULA SA DATING DENTISTA?

Ano man ang dahilan, kailangan maipagpatuloy ang gamutan para hindi masayang ang mga naunang naibayad ng pasyente para magpalagay ng braces. Hangga’t maari ay magandang makipag-ugnayan ang pasyente sa kanyang dentista (o vice versa) para makahanap ng ibang dentista ang pasyente na magpapatuloy ng pag-adjust ng braces niya.

Upang matulungan ang pasyente, maaring magrefer ang dating dentista ng bagong dentista na malapit o convenient sa pasyente na puntahan kasi nga magiging pabalik-balik ito hanggang sa matapos ang orthodontic treatment nito. Dapat ay irefer ng dating dentista ang pasyente sa isang dentista na bihasa din sa pag-ayos ng ngipin sa pamamagitan ng braces. Hindi yung irerefer niya ang pasyente sa kabarkada niya nung college kasi may porsyento siyang makukuha dito o dahil close lang sila. Basta sa pagre-refer ng pasyente sa kahit na sinong dentista, ang ikakabuti ng pasyente ang laging basehan.

Mas maganda kung makakapag-bigay ng written referral mula sa lumang dentista. Dito nakasaad ang case history ng pasyente, at mas maganda kung isasama sa referral letter yung modelo ng ipin bago ikabit ang braces o cast, x-ray, photos at dental record. Ito ay para matulungan ang bagong dentista sa pagpapatuloy ng gamutan sa pasyente.

Kung hindi maaari ang written referral ay maski telephone referral na lang. Basta mai-endorse lang nga maayos ng dating dentista sa bagong dentista ang pasyente, ay OK na.

Pero siyempre, kung nagkasakit o namatay ang dating dentista ay mukhang imposible na ang written referral at mas lalong imposible ang telephone referral. Sa ganitong pagkakataon ay pwedeng makiusap ang pasyente na kunin ang kanyang mga records mula sa klinika ng dentista. Pag nakuha niya ito ay maari na niya itong i-turn over sa bago niyang dentista.

ANG PAG-HUNTING SA BAGONG DENTISTA

Kung walang referral mula sa dating dentista, magandang mag-scout ng mga posibleng choices na bagong dentista. Maaring magtanong sa mga kaibigan na naka-braces para i-refer ka nila sa kanilang dentista. Para makasiguro na bihasa sa pag-ayos ng ngipin gamit ang braces ang dentista, maaring sumangguni sa website ng Association of Philippine Orthodontists. Meron silang Directory section doon kung saan ang mga dentistang bihasa sa orthodontics ay nakalista base sa location ng kanilang clinic. Madali kang makakapili ng dentistang malapit sa iyo!

ANO ANG DAPAT I-EXPECT NGAYONG MAY BAGO KA NANG DENTISTA?

Congratulations! May bago ka nang dentista!

Natatandaan mo ba noong bago ka kabitan ng braces ng iyong dentista? Diba nag-usap kayo kung ano ang game plan niya sa pag-aayos ng ngipin mo? Ngayon, sa bago mong dentista ay maaring mag-iba ang game plan na napag-usapan niyo ni former dentist. Dipende na kasi sa sitwasyon ng ngipin mo lalo na kung natagalan na hindi na-adjust ang braces mo.

Ang tagal ng gamutan ay natural na hahaba kumpara sa naunang predicted duration of treatment na napag-usapan niyo ng dati mong dentista. Kung ang unang usapan niyo ay isang taon, maaring mag-extend ito mula 1 1/2 hanggang 2 taon, dipende sa sitwasyon ng iyong mga ngipin.

Last but not the least, pag-usapan natin ang presyo. Una sa lahat, kung ano man ang naibayad mo sa dating mong dentista, labas na ang bagong dentista doon. Kung ano man ang balanse mo sa dati mong dentista ay hindi na valid kasi nga hindi naman matutuloy ang gamutan. Huwag din i-expect na kung magkano ang balanse mo sa dati mong dentista ay yun na rin lang ang ibabayad mo sa bago mong dentista para ituloy ang gamutan. Siyempre, maaring iba ang rate ng bago mong dentista sa former dentist mo. Kadalasan, mas mahal ang babayaran mo sa bago mong dentista, lalo na pag nag-relapse o bumalik sa dating pagka-sungki ang mga ngipin mo sa tagal nang hindi pag-aadjust.

E PAANO KUNG GUSTO KO NANG IPATANGGAL ANG BRACES KO SA IBANG DENTISTA?

Madalas din mangyari na ang pasyente na mismo ang ayaw magpatuloy ng gamutan at gusto na lang ipatanggal ang braces niya sa ibang dentista. Kapag ganito, dapat ay masigurado ng dentistang mag-aalis ng braces na hindi na makakabalik ang pasyente sa dentistang nagkabit ng braces niya para ito mismo ang mag-alis nito. Unethical kasi na pakialaman ng isang dentista ang gawa ng iba kaya’t maari ay kukumbinsihin niya ang pasyente na bumalik ito sa dentistang nagkabit ng braces niya. Kung hindi na talaga makakabalik ang pasyente sa nauna niyang dentista, maaring alisin ng bagong dentista ang kanyang braces—basta’t marunong siya ng tamang pag-alis nito. Ang proseso ng pagtanggal ng braces o brackets sa pasyente ay tinatawag na “debonding.” Of course, maniningil ang dentistang mag-aalis ng brackets/ braces mo ng debonding fee. Ang halaga ng debonding fee ay dipende sa dentista na gagawa.

——

Source:

ADVICE FOR THE TRANSFERRING ORTHODONTIC PATIENT by the American Association of Orthodontists

64 responses to “Braces: To be continued…

  1. magkano po ba ang presyuhan ngayon sa pagpapalagay ng braces?

    and maganda po ba ang magpatanim ng ngipin?

    • Dipende sa klase ng braces, hirap ng kaso ng ngipin at siyempre sa skill or training ng dentista. Kung general dental practitioner na may training sa braces, nasa PHP 30,000.00 to 100,000. Kung orthodontist (o espesyalista sa braces) ang gagawa, mababa na ang PHP 100,000.00

      Magpatanim ng ngipin? Implants ba ang ibig mong sabihin? Nasa PHP 80,000 per implant ang pinakamababa. Yung mga nag-ooffer ng 30,000 per implant, hindi ako masyadong kampante sa training nun hehe.

  2. Wow, congrats sa mga students mo Doc na nakapasa. Go UP!

  3. Useful po ang mga impormasyon na nakalap ko dito sa inyong site.

    Maari po bang magtanong? May age limit po ba ang braces? Sino ba ang kandidato sa pagpapa braces?

    • Salamat.

      Wala namang definite age limit ang braces, pero habang tumatanda kasi ang isang tao, mas dense o mas matigas na ang buto sa paligid ng mga ngipin kaya mas magiging matagal ang pag-aalign ng mga ngipin.

      As to sino ang mga candidates for braces, yun ay ang mga tao na may sungki o hindi maayos ang pagkaka-posisyon ng mga ngipin.

  4. gud day po doc.ask ko lng po,kc po ung case ng ngipin q s baba po nabunutan n xa ng 2,mga 16yrs old p po ako nun,bli 30 n po aq ngaun so ang nangyari po parang tumabingi n po ung panga q,kung baga po parang d n xa nka align ung s middle teeth po,at mejo nararamdaman q po n nag dis align ung jaw q.may koneksy0n po b s pag ka dis align ng jaw q ung pagkaka m0ve ng ngipin q? if ever po b ipa brace q maii re align p po b ung jaw q? tnx po.

    • Err, next time paki buo po ang pagtype ng inyong tanong. Iwasan po natin ang text speak.

      Ang pag-disalign ng inyong jaw ay consequence ng pagkatanggal ng mga ngipin niyo noon at di paglagay ng pustiso para pamalit sa mga ngiping natanggal. Dipende po sa pagka-higa ng mga ngipin kung maaayos pa ito ng braces. Kung kaya pa, maaring mas matagal ang gamutan kumpara sa kung nalagyan kayo ng braces ng mas maaga. Wala naman pong imposible pero matagal lang nga po ang magiging gamutan. Tanging ang dentista pong makakatingin sa inyo na bihasa sa orthodontics ang makakapagsabi kung gaano katagal.

  5. I have a question. (not related to the topic though) pag nag pa pasta ka ba sa dentist at pagkatapos nun ay sumasakit pa rin pwede bang bumalik without charge? or different charge na naman? nung cavity pa lang, hindi masakit. pero after na pastahan, medyo sensitive na siya. hindi masakit pero it’s not normal talaga.

    • Dipende sa sitwasyon kasi. If natingnan maigi ng dentista yung ngipin at sure siya na walang dahilan para sumakit yung ngipin (i.e. mababaw lang yung butas, nakunan ng x-ray at wala naman findings), then you can come back to have the tooth checked pero as to walang charge for consultation e dipende sa dentista yun. Best to expect na i-charge ka for consultation, after all professional naman yung dentista mo. Kung sa medical doctor nga, may bayad sa consultation—sa dentista pa kaya? Also, expect na baka kunan ng xray yung ngipin just to be sure.

      Pwede ka ring magseek gng second opinion from another dentist in case hindi mawala yung sensitivity.

  6. what does it mean when it says exclusive practice of orthodontics? they don’t do fillings. root canals, etc.?

  7. Yep, as in exclusive to orthodontics (braces) lang talaga. Hindi sila nagro-root canal treatment or pasta.

  8. kasi the dentist left a part of the tooth exposed. pag katapos niyang “drill” hindi niya tinakpan ng pasta. now super sensitive na siya. it was a really bad experience.

  9. hello.may alam ka bang pwede mgbrace sa cheap na price? as in less than 20kl cguro.npakaminor lang nman ng case ko.hnd lang nkaalign.at ako kse ang magiipon eh.so hanap ko tlga mura lang.thanks doc t.;P

  10. hello! pwede po ba magtanong kung saan may affordable na dental x-ray? magpapabrace po kasi ako at need yun ng dentist. pakipost na lang po sa blogsite ko or pakitext saken sa 09391814419. tenk yu po!🙂

    • Hmm…I’d rather post it here for my readers to know also:

      First, hindi mo ni-specify what dental x-ray you need. Usually panoramic or cephalometric ang kailangan. For panoramic, I refer them to Lapid’s Dental in Robinson’s Malls. Around 800++pesos.

  11. ask ko lang AT hingi nadin ako ng payo ano ba maganda na pamalit sa pustiso? apat na ipin sa harapan ang natanggal sakin! ano ba ang mainam na walang PLASTIC ung di naman ako mahihirapan takot pa naman ako sa tusok or ibaon kahit my pam pamanhid! meron bang pwede gawin?sana matulungan nyo naman ako! rpcastro10@yahoo.com

    from nueva ecija 21yrs old! thanks

    • Since sinabi mo na takot ka sa tusok, etc. pustiso na lang talaga ang pag-asa mo. Lahat ng ibang alternatives tulad ng bridges, implants ay nangangailangang lagyan ka ng anesthesia.

  12. ang ganda naman po ng site ninyo kailangan ko po ito sa practice ko.

  13. ask ko lng po kung mgkano po mapapustiso ng isang ngipin lng

  14. Hi po. pwede magtanong? e paano po pag wala namang sira or sungki yung ngipin mo e. gusto mo lang po talaga magpa brace? magkano po aabutin no? thnx.

  15. Kng mag papa brace po ako sa school LNG po ng dentistry Sino po kaya ang gagawa po sakin at kailangan po ba na I fullpaid po ang bayad?

  16. Good day po! Bago lang po braces ko.. Ask ko lang po kung ano dapat ko gawin ang hirap po pala ang sakit at may mga singaw na din ako natatamaan ng braces ko. Ano po ba dapat ko gawin? Mga ilang araw ko po ba mararamdaman ang sakit? Salamat…

  17. Hello po., tanung ko lang po, pwde pa po kayang magpalit ng dentist kasi po kakakabit lang ng brace ko 15000 ang hiningi sakin upon installment tapos napagusapan namin na installment plan is 3000 para sa adjustment include po dun ang 15k na balance., so bale 5 months lang gustu nya na matapos ang bayaran nmin , hirit pa nya. 5k a month. na lang daw para 3mon. Lang tapos na ang bayaran. Pakiramdam ko mukang pera ang dentista ko, ano po ang gagawin ko, makakahanap pa po kaya ako ng dentista na magtutuloy sa treatment ng braces ko..

  18. Hello po.. tanung ko lang po kung pwedeng ipabrace ung ngipin kahit na pasta ung sa harapan?

  19. ferdie armos

    hello po ask ko lng po saan ang libreng x-ray dental kelangan po kais x-ray ang wisdom tooth ko.

  20. ferdie armos

    hello po ask ko lng din po kung sa pgh ay hangang ngayon po e my libreng bunot.salamat and more power

  21. good day po, sir 2 na lang po yung molars ko po sa lower right… 5-6months before po i have them filling… then last last week i felt pain… akala ko po nagkacavity ung ilalim ng fillings so i have them return to my dentist… She found out na nagkacavity po in between my pre molar and the next molar with filling so tinemporary filling po sya kasama ung molar ko… i felt sensitivity dun sa molar ko(if sensitivity nga po ba tawag dun sa indi naman masakit pero uncomfortable pag nasasanggi)sabi po ng dentist ko masasave pa daw po. Pero nawoworry po ako. plano ko din po kasi sana magpabraces nanghihinayang naman po ako na mabawasan pa ung molar ko 2 na lang nga po sila… nagffloss na din po ako now kaso po minsan nagdudugo ung gums ko po dahil sa pagffloss… anu po ba yung mapapayo nyo para maging healthy din po ung gums namin… salamat po.. more powers

  22. pwd po ba magpabrace kht impant teeth ka

  23. pwd po bang magpabrace kht implant teeth ka?

  24. sinong may contact # ng UP orthodontics?

  25. doc please help po kung ano magandang gawin, may pustiso po ako sa upper teeth ko, dalawang ngipin po, parehong nsa harap, pero hindi naman po magkatabi, tpos may isang sungki din na naka-abante palabas, possible po ba na makapagpa-brace ako? salamat po.

  26. doc, ang daming mga “discounted” metallic or ceramic braces sa group buying sites. ang laki ng ibinaba ng presyo (halimbawa, from 80,000 magiging 7,000 na lang). nakakaenganyo. kaso worth it kaya itong mga ito? paano kaya nila napapababa yung presyo kung mahal talaga yung braces in general?

  27. For those who are interested to have braces..

    May contact po ako sa UE College of Dentistry na ortho..

    Naka braces din ako and sa UE ako nakakita ng mura na mabait pa yung dentist.🙂 the total cost of my braces is 19k including x-ray, extraction(bunot), linis pasta and retainer after the treatment,

    Sa case ko 3 na yung binunot sakin at lahat yun libre.. The may isang ni-riit canal 1k naman yung bayad ko..

    Anyways.. 19k yung total amount then 5k yung downpayment then 500monthly.. Hindi na sya mabigat para sa mga taong nag tatrabaho at estudyanteng gaya ko.

    Kung interested kyong magpa brace contact me ire-refer ko kayo sa dentist ko.. Add me or message me on my facebook account http://www.facebook.com/kram08paulo or just search Mark Paulo Gerona Ansag.🙂

  28. Doc howmuch braces sa UP ? mas mura po ba kesa sa private ?

  29. doc pwede ko na po ba ipatangal ang braces ko kahit bagong lagay lang?d pa namn nailalagay yung wire sa baba at yung mga adjustment na ilalagay sa bagang,may inaayos pa na rct sa mlapit sa harap,pero parang may sumasakit na nmn na ngipin dun s tabi ng bagang,baka dumami po ang gastos ko at masirang ipin kung ipagpapatuloy ko ang braces,4ok brce 12k na ang naidown iba pa po yung rct na 3500.mabigat na sa bulsa kung mgkasira lalo during braces.ang case po mejo nakaprotrude ang ipin sa harap pero walang spaces.lilihain daw para mgkaroon ng spacing for alignment.doc pa advise nmn po kung pwedeng pa stop ko na lng ang kassimulang brace..thank you

  30. Magkano po mag pa-brace kung upper part lang tsaka wala naman sira? I mean yung parang iu-usog lang sya talaga. Magkano po yung DP or payment every sessions? Thanks.

  31. gud day sir ,may itatanong lang po aq may sungki8 po kc q sa may itaas ng giagid isa lang po un sbi nung dentist na nakausap q nd daw sya pwede bunutin . .so ask q lang po d nga po ba sya pwede bunutin?? actualy malaki po sya e tnx

  32. good morning po, tanong ko lang po, kasi lagi lagi ako natatanggalan ng bracket at ung buccal na ginagamit kahit po kakalagay lng or kakauwi n kaka unpisa pa lng kumain . may bayad po ba mgpakabit ulit ng natanggal na bracket ? at kung fully paid ka na, may babayaran ba monly pra magchange ng rubber ? salamt po.

  33. Magandang araw po. Tanong ko lang if halimbawa nakapagbigay na ko ng down payment. kelan ulit ung next bayad ko? After exactly 1 month ba? Reply naman po sa may mga braces na. Salamat

  34. hi, may alam po ba kayong murang braces for both upper and lower ung 5k down then 500 per months lng along metro manila lng. thanks

  35. Pwede po ba mag pa brace kahit May pustiso sa upper front isa lang nmn po eh

  36. Hello Doc.. Ask ko lang if normal ba na maging sensitive ngipin after pastahan?.. Medyo sumasakit po kasi kapag umiinom po ako ng hot or cold drinks. Thanks :0

  37. an po ba nagmula ang salitang braces. At ano ang kahulugan ng braces.

  38. NABIKTIMA PO AKO NG DIY BRACES SAN PO KAYA PWEDENG MAKIPAG UGNAYAN UKOL DTO.AT ANO PO BA PE DE KO NG GAWEN PARA MAKA SURVIVE AS OF NOW WALA KONG NKIKITANB MALI SA OR SIDE EFFECTS SA GAWA NYA THANKS

  39. hello podoc nag aadjust din po sa ceu or ue kpag my braces na.. tnx po!

  40. hello po doc nag aadjust din po sa ceu or ue kpag my braces na.. tnx po

  41. rafael basallo

    Pano po kung hindi na naipacheck up ung braces kasi napunta na sa malayo tulad ng ofw,,kelangan p bang bayaran ung remaining balance?tnx

  42. Goodmorning napasin ko lang na mukhang pera ung dentista ko kc pagkatapos kabitan tska nia sinabi yung price grabe.. Dba right ng patient na e orient sia sia ako walang ka orient orient bsta sbi ko sa kanya doc 1k a month 5k downpayment. Kaya parang gusto ko na pong ipatangal help nmn po ano pong mangyayari pag pinatangal ko pp to. Slamat

  43. Doc, ngpalagay po ako ng braces sabi saken nun pinsan ko dentista kailangan ko dw po gumamit ng headgeat at bunutan ng tatlong ngipin.. First premolar po ang sinukan niya bunutin ng hindi niya kaya kase cia lang mg isa pinapunta niya sa brightsmileave. Sa global city at pinabunut niya ngipin ko.. After ako mabunutan nkaramdam ako ngpagkahilo at blurdness..nun humingi ako ng dental record ko ayw Kong bgyan ng pnsan ko nakapagbayad ako sa kanya ng 18k na hindi kopa nagmit ang head .dec 12 po ako nlagyan hanggang ngayon hind na nagpakita ang pinsan ko at nun tingnan ko sa prc web wala doon ang pangalan niya hind cia rehistrado dentista. Rachel regalado ignacio po pangalan niya sa calling card niya po kaye ignacio po ginagamit niya.meron cia din pinapsukan clinic sa kalayaan sa prince david condominium 3rdfl r 305 sobrang stress po ngyari saken..hanggang ngyon di kopa mapagawa ngipin ko..

  44. para saan ang braces ng ngipin?

  45. bakit po ba kailangan o para saan po ba ang braces? lahat po ba ng gumagamit nito ay may diperensya sa ngipin? o ung iba ay para pamporma lang talaga?

  46. Josephine Jasper

    Magkano po ba kung magpalagay ng braces sa murang halaga para makangiti ng maganda 3 po kasi hung butas ng ngipin

  47. May braces po ako, at gusto ko magpapasta sa ibang dentista dahil hindi ko gusto ang treatment ng aking dentist.ilang beses na kasi nattanggal ung pasta sa front teeth ko..sbi ng ibang dentist na pinuntahan ko need ko ng letter from my dentist na pde pastahan ang ngipin ko..e ang dentist ko ayaw magbgay ng letter..anong ggwin ko? Hindi po ba may karapatan naman ako mamili ng treatment for me..

  48. It ain’t fair for our lady dentist (@Your Dentista) here to answer all of your questions. This post was meant to educate the public. Really. Save all of your queries to your dentist of choice. Seek an appointment, ask/say to the dentist whatever your concern is, LISTEN to your dentist as he/she addresses your concerns, and don’t forget to pay the consultation fee. Just my two cents.

  49. paano po kaya pag hindi pa ulit nakapag-adjust ng braces may 8 months na po, nawalan po kase ako ng work? ano po kayang mangyayari? makakapag-adjust pa po ako by october back to start po ba ulit?.

  50. Hi Doc, sana mabasa at maka advise po kau sa akin. Nasa abroad po ako, every 2 yrs ang uwian. Dati napo akong ngbraces at nakaretainer na po nung umalis ako ng pinas. Kaso, nasira po yung retainer ko, kaya after a year, bumalik po sa dati ang condition ng ngipin ko- open bite at may gap po sa front teeth. Pinag iisipan ko po magbraces ulit using damon system once makauwi ako ng pinas. Is this convenient and worth it doc? As much as possible, gusto ko po sana iwasan ang any dental procedure dito sa abroad kasi sobrang mahal po. Thank you in advance sa sagot po.

  51. Gusto kopo magpalit ng dentista meron po ba unh every 6months ang balik sa dentista? May work kc ako sa malayo!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s