Dentist in Training

Nakapasa ka na sa board exam. At pagkatapos mong mag-take ng oath sa Manila Hotel at kumain ng malamig na fried chicken, pansit at siopao—congratulations, isa ka nang ganap na dentista.

So ano na ngayon?

Siyempre maghanap ka na ng trabaho. Or kung isa ka sa mga mapalad na bibiyayaan nina “Mama at Papa” ng bagong dental clinic e mag-umpisa nang maghanap ng kontratista at interior decorator. Sa mga madlang people na inexhaust na ang bulsa ng mga magulang nila sa mahal ng tuition at gamit sa clinics (isama mo na ang kickback mo para makabili ng bagong IPhone), I’m sure kating-kati na ang palad ng mga magulang niyo na matikman ang una mong suweldo.

Naalala ko nung pumasa ako sa board exam (not too long ago), ang sabi ng tatay ko: “Tapos na ang lingguhang holdapan.”

Ang sabi ko naman: “Tapos na ang maliligayang araw.” Sabay tingin sa aking Smart (Not-So) Amazing Phone dahil alam kong matagal-tagal kaming magsasama dahil hindi na ako makaka-kickback.😦

LET THE JOB HUNTING BEGIN…

Para sa mga bagong pasang dentista, I hate to burst your bubble pero mahirap para sa ating mga dentista na makahanap ng trabaho.

Very limited ang mga nangangailangan ng dentista kaya dapat ay maghanap ka na ng prospective employer ngayon pa lang.

Madami ang mga website sa internet kung saan may mga posibleng employer na naghahanap ng dentista. Ang ilan dito ay ang mga sumusunod:

Sulit.com.ph

Jobstreet.com.ph

Pinoydental.com

Bukod sa mga website na nabanggit sa itaas, maari ring manghingi ng referrals sa mga professor mo at baka may kakilala sila na naghahanap ng associate dentist. Kitams, hindi lang passing grade ang magiging katas ng pangsisipsip mo sa mga CI at professors mo sa dental school!

Madalas ang tanong lagi ng mga naghahanap ng trabaho ay magkano ang suweldo. Pwes, bago mangako na ilibre ang buong angkan sa una mong sweldo e maghunus-dili ka muna. Unless makatsamba ka ng vacancy sa mga malalaking kumpanya bilang dental retainer or company dentist e malamang ang makakuha ka ng PHP 380 (minimum wage) to PHP 500 kada araw. Dipende sa employer kung with or without commission yun. Kadalasan, ang commission ay 10% hanggang 30% sa cost ng lahat na perang naipasok mo sa klinikang pinagtatrabahuhan mo.

Noong bagong pasa palang ako na dentista, nagtrabaho ako bilang associate dentist sa isang klinika. Minimum wage lang ang suweldo ko nuon plus 10% commission. Oo, mas malaki pa ang kinikita sa akin ng dental assistant namin at masaklap e nakukuha pa niyang mangutang sa akin!

Anyway, back to regular programming….

Maaring maliit ang suweldo kumpara sa lahat ng ginastos mo sa dental school pero ang importante dito ay mangalap ka ng experience sa paggamot ng iba’t ibang klase ng tao at makagawa ng iba’t ibang klaseng dental treatment. Sa tinagal-tagal mo sa pag-aaral ng dentistry ay kulang pa rin ang iyong training at madami ka pa ring matututunan sa isang professional dental set-up.

Ang pagtatrabaho bilang dental associate ay isang paraan din para malaman mo kung saang field ng dentistry mo gustong mag-concentrate. Malamang, pagkatapos ng 1 o 2 taon bilang associate dentist, magiging malinaw na sa iyo kung saang field ng dentistry ka nag-eexcel.

POST-GRAD TRAINING AND PRECEPTORSHIP PROGRAMS

Ngayon, kung may hang-over ka pa sa pag-aaral (at paghingi ng allowance) e maari kang mag-post grad training. Ang post-grad training ay maaring mga preceptorship or hospital-based training. Iba pa yung seminars tulang ng PAED ha?

Ang preceptorship ay isang klase ng training kung saan ang nagsu-supervise sa inyo ay isang expert sa naturang field. Halimbawa, sa preceptorship in orthodontics, isang bihasa o seasoned orthodontist ang inyong tatayong “teacher.” Kadalasan, konti lang kayong mga “estudyante” sa preceptorship kumpara sa isang formal class noong estudyante ka pa lang sa dental school. Ang presyo ay dipende rin sa program o course ng dentistang nag-ooffer ng preceptorship. Ang buong preceptorship course o program ay maaring tumagal ng 3 to 6 months. Pagkatapos ng preceptorship course, maari ka nang gumawa ng mga simpleng kaso sa specialized field na kinuha mo, pero paalala lang, hindi ka maituturing na specialist. Sisikaping kong makagawa ng separate na article tungkol sa mga specialist at sa mga “feeling” specialist.

Ang mga preceptorship program ay dipende sa field na gusto mo. Meron sa orthodontics, esthetic dentistry, endodontics at iba pang fields ng dentistry.

Ang ilan sa mga preceptorship programs para sa mga dental practitioners ay ang mga sumusunod:

Philippine Institute of Dental Advancement (PIDA)

Ang PIDA ay may mga training programs para sa mga dentistang interesado sa mga sumusunod na disciplines ng dentistry: Implantology (2 parts), Orthodontics, Periodontics at Endodontics.

May mga preceptorship programs din na naka-advertise sa Pinoydental website.

May mga ilang ospital din na nag-aalok ng training programs. Dito, para kang residente sa ospital kung saan may mga mini-lectures o clinical conference, hospital duty at iba pa.

Ang ilan sa mga ospital na may dental training program ay:

Philippine General Hospital – Dept. of Hospital Dentistry

Kung Oral Surgery ang gusto mo, ang UP-PGH Dental Externship Program ang isa sa pinaka-kilalang training program para sa Oral Surgery. Mayroong entrance exam para makapasok sa program na ito. Ang buong training course ay tumatagal ng 6 na buwan o higit pa kung sakaling kailanganin mong mag-extend. Sa loob ng 6 na buwan ay sasanayin kayo sa iba’t ibang surgical cases sa PGH, kasama na dun ang mga lectures, Basic Life Support Sessions, workshops at 24 hour hospital duty.

Post Graduate Training Program in Dental Implantology – St. Jude Hospital, Dept. of Dental Medicine

Tel. No. (02) 731 – 2761 local 263

Ang St. Jude Hospital Implant Dentistry Training ay tumatanggap lamang ng hanggang 12 trainees. Saklaw ng 14-month training na ito ang implants, sinus lifting, bone grafting at pre-prosthetic surgery.

Pediatric Dentistry Training Program – Philippine Children’s Medical Center

Ang PCMC ay mayroong hospital-based Pediatric Dentistry training para sa mga dentista. Tumatanggap din sila ng fellowship training para sa nasabing dental discipline.

Residency Training Program – Pediatric Dentistry Center Philippines

Katulad ng PCMC, ang PDCP ay mayroon ding Pediatric Dentistry training program. Ang training ay tumatagal ng 1 taon kung saan ang trainee ay kailangang pumasok ng 4 times a week. Ang unang 3 buwan ng training ay may mga lectures at ang mga susunod na buwan ay ang clinical practice.

Center For Orthodontic Training Seminars

Ang COTS ay may iba’t ibang mga kurso  tulad ng programang patungkol sa Temporomandibular Joint Disorders and Orofacial Pain, Clinical Fellowship in Orthodontics at Periodontics.

UP College of Dentistry: Graduate Program in Orthodontics

Tel. No. 526-2296 to 97

Ang UP Graduate School ay may 2 programa para sa mga dentistang gustong maging bihasa sa orthodontics: ang Certificate of Proficiency in Orthodontics at ang Master of Science in Dentistry (Orthodontics). Ang UP ang unang nagtayo ng Masters of Science in Dentistry degree sa bansa.

UE Manila Graduate School

Ang UE College of Dentistry Graduate School ay may sumusunod na mga programa para sa mga dentista:

  • Master of Science in Dentistry major in Periodontics
  • Master of Science in Dentistry major in Orthodontics
  • Master of Science in Dentistry major in Prosthodontics
  • Master of Science in Dentistry major in Endodontics

2 taon ang kailangang bunuin para sa kursong ito at limitado lamang sa 10 local students at 4 na foreign students.

Kung ano mang landas ang iyong ibig tahakin, hangad ng Your Dentista ang iyong tagumpay bilang isang dental practitioner. Sana ay hindi magbago ang iyong isip pagkatapos ng isang taon at magpasyang mag-enroll uli ng ibang kurso.

Lubos ang aking pagbati sa lahat ng mga bagong dentista!

16 responses to “Dentist in Training

  1. loveeet.. laking tulong! (=

  2. hi, just wanna know how to enroll into surgery post grad?im interested to be trained.im from University of Perpetual Help Binan.

    • Have you set eyes on which institution you want to enroll to? You can call the numbers I included in the above article. It’s best to get details on application requirements and fees directly from the institution. For UP-PGH Hospital Dentistry Program (Oral Surgery), you can click the link I provided.

  3. MYYYYYY DENTIST!!! ^^

  4. I was really lucky to have been hired by my professor right after I passed the board exams. Salary ko is profit sharing, 50-50 kami although wala akong daily. Yun ang best for me, malaki kita eh.🙂

  5. wow! sana nabasa ko ito nung bagong graduate pa ako.. malaking tulong ito (^_^)

  6. tuwing kelan po tumatanggap s externship program ng pgh? mga anong month po pwede? wala n po ksi ung page dun s link na nkalagay..🙂

    • Kim, I already edited the link to the PGH Dept of Hospital Dentistry. Best to call the number found in the bottom of the page for the schedule of application for externs. Good luck!

  7. Wow! Ang tagal ko na naghahanap ng listahan ng mga preceptorship, madalas ako magtanong sa mga friend ni ganito-ganyan, ka-chapter ni ganito-ganyan, pero lahat naman sila sobrang busy sa sariling buhay para bigyan ka ng career advice. Ang laking tulong ng article na to. Sa makatuwid, may print-out na ako nito ngayon😀

    Salamat po talaga, kapag nakapasok ako sa kahit isang preceptorship ito po ay dahil nabasa ko ang sinulat ninyo.

  8. HELLo Mom or Sir. mganda ba ang cource ng dentistry ??? di po ba mahirap>>???? rply nmn po :)) gusto ko po sana mag take ng dentist. mtagal ko na kasing pangarap to .

  9. kapag po pala grumaduate ng D.M.D, general dentistry lang po yung pwedeng iperform(o medyo pwede na rin mag ortho ng konti🙂 )…kung gusto pong mag ortho edi kailangan po na mag-aral ulet o parang pwedeng “i-major” ang orthodontist along the duration of the study ng dentistry? Salamat po🙂 need help kasi medyo nalilito po ako dun…planning to shift to dentistry course (haay nakakalito🙂 )

  10. maaari po bang ipabunot ang butas na ngipin sa bagang kahit namamaga pa ito, pero hindi na masakit

  11. maaari na po bang ipabunot ang butas na ngipin sa bagang na namamaga pa pero hindi na po masakit

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s