Tag Archives: UP College of Dentistry

December 2010 Dentistry Board Exam Results

Nadagdagan na naman ang mga dentista sa Pilipinas! Mula sa 787 na kalahok— este kumuha ng boards ay 251 lamang ang nakapasa sa nakaraang Dentistry Board Exam.

Karamihan ng pumasok sa Top Ten ay mula sa University of the Philippines – Manila. Sana magpa-party naman ang dekano nila 😀

Eto ang kabilang sa mga topnotchers:

  1. Pia Briones (UP Manila) – 85.12%
  2. Leonida Garcia (UP Manila) & Jefalyn Mae Garcia (University of Baguio) – 84.04%
  3. Dindo Rabino (UP Manila) – 83.67%
  4. Ariane Sadiang-Abay (UP Manila) – 83.33%
  5. Ma. Fatima Dolor (UP Manila) – 83.24%
  6. Adrianne Gomez (UP Manila) & Joanna Bless Yap (Cebu Doctors) – 83.18%
  7. Katrina Lo (UP Manila) – 83.17%
  8. Roxanne Donato (UP Manila) – 83.10%
  9. Ulysses Patalinghug (UP Manila) – 82.84%
  10. Reuel Beatriz (AUP) – 82.65% Continue reading
Advertisements

Dentist in Training

Nakapasa ka na sa board exam. At pagkatapos mong mag-take ng oath sa Manila Hotel at kumain ng malamig na fried chicken, pansit at siopao—congratulations, isa ka nang ganap na dentista.

So ano na ngayon?

Siyempre maghanap ka na ng trabaho. Or kung isa ka sa mga mapalad na bibiyayaan nina “Mama at Papa” ng bagong dental clinic e mag-umpisa nang maghanap ng kontratista at interior decorator. Sa mga madlang people na inexhaust na ang bulsa ng mga magulang nila sa mahal ng tuition at gamit sa clinics (isama mo na ang kickback mo para makabili ng bagong IPhone), I’m sure kating-kati na ang palad ng mga magulang niyo na matikman ang una mong suweldo.

Naalala ko nung pumasa ako sa board exam (not too long ago), ang sabi ng tatay ko: “Tapos na ang lingguhang holdapan.”

Ang sabi ko naman: “Tapos na ang maliligayang araw.” Sabay tingin sa aking Smart (Not-So) Amazing Phone dahil alam kong matagal-tagal kaming magsasama dahil hindi na ako makaka-kickback. 😦

Continue reading

Tips para makatipid sa pagpapadentista

Psst…gusto mo bang magpapasta sa halagang PHP 50 lang?

No, hindi chicklet ang ipangpapasta sa iyo pag ganito lang kamura ang ibabayad mo. Kung ano ang pinangpapasta na “silver” sa mga dental clinic ay yun din ang gagamitin sa iyo. Magpalinis ng ipin ba kamo? Basta’t may trenta pesos ka (PHP 30), pwedeng pwede na!

Hindi joke o prank sa Wow Mali ito. Maaring ganito lang ang ibayad mo sa mga dental schools para gamutin ka ng mga estudyante nila na nag-aaral ng dentistry. Teka, bago ka mapangiwi e sisiguraduhin ko naman na merong lisensyado at well-trained na dentista na titingin sa mga estudyanteng gagawa sa mga pasyente. Ito ay para masigurado na tama gagawin nila at hindi mapapahamak ang pasyente nila.

Ano ba ang dapat gawin para makapagpadentista ng mura sa mga dental school?

Continue reading

Wannabe Dentist

Pangarap mo bang maging Dentista?

Ano nga ba ang pwede kong i-payo sa mga balak mag-aral ng dentista bukod sa mag-isip ng isang milyong beses? Hehe. Para sa inyong kaalaman, hindi lang utak kundi sangkatutak na tiyaga at pasensya ang kailangan para matapos mo ang kursong Dentistry.

Bukod sa pag-susunog ng kilay e kailangan mo ng tiyaga para mag-practice magprepare ng pasta, linisin ang kasulok-sulokan ng ngipin at maghintay sa mga pasyente mong madalas mang-Indyan. Kung ako ang tatanungin, mas madali pa ang mag-Medicine kesa mag-Dentistry. Alam ko na magkakaroon ng violent reactions mula sa mga doktor ng medisina pero bago niyo ako kuyugin e i-try nyo muna maging dental student muna. Sa pag-aaral ng Dentistry, hindi lang sa’yo nakasalalay ang pagpasa o pagbagsak mo kundi sa mga pasyente mo lalo na sa Clinical years ng kurso na ito.

Continue reading