Phobia sa Dentista

Familiar ba ang eksena sa video na ito? Hindi yung yaya na accidentally nai-injectionan ng dentista ha?

Ilan na ba sa atin ang nasangkot sa pilitan sa pagpunta sa dentista? Ako mismo, nagkaroon din ng phobia sa dentista. Naalala ko pa na naghahabulan pa kami ng nanay ko sa labas ng dental clinic kasi ayokong magpabunot ng ngipin. Nadala ko ang takot na iyon hanggang tumanda ako at nasa kolehiyo na’t nag-aaral maging—drumroll please—DENTISTA!

O, diba, how ironic?

Hindi naman ako takot sa dentista, per se. Takot lang ako sa injection at sa ngilo pag pinapastahan, hehe. E saan ba madalas naaassociate ang mga salitang “injection,” “ngilo,” at “pasta” kundi sa mga dentista hindi ba?

E paano ba maiiwasan ang pagkakaroon ng takot sa dentista? Narito ang ilan sa mga suggestions para maiwasan ang pagkatakot sa dentista lalo na sa mga bata:

1. Mamili ng dentista

Magandang mag-“window shopping” muna sa mga dentista bago magpagawa ng kahit na anong dental procedure. Huwag basta-bastang susulpot sa dental clinic na malapit sa iyo dahil naglipana na ang mga pekeng dentista tulad ng mga naipalabas sa XXX at Imbestigador. Ang mga pekeng dentista na ito ay maaring nakapag-aral ng Dentistry ngunit hindi lisensyado at hindi pasado sa Board Exam. Maaring meron silang alam tungkol sa paggagamot ng ngipin pero dahil hindi sila lisensyado, hindi sapat ang kanilang kaalaman para manggamot.

Magtanung-tanong sa mga kakilala o manghingi ng referral kung sino ang maiirekumenda nilang dentista sa iyo. Kadalasan, ang mga katangiang hinahanap ng mga tao sa dentista ay yung magaan ang kamay, pasensyoso at pinapaliwanag ng maigi kung ano ang kalagayan nila at kung ano ang proseso na gagawin.

Kung ang pasyente ay naintindihan ng mabuti ang gagawin na procedure sa kanya, maaring maibsan ang takot nito sa dentista at sa

2. Magtanong sa dentista sa mga procedure na gagawin sa iyo.

Katulad ng nabanggit ko sa itaas, makakatulong na maibsan ang takot sa dentista kung alam ng pasyente ang gagawin sa kanya.

Sa mga dentista, ‘wag mag-deny kung may posibilidad na masaktan or may discomfort na maaring maramdaman ang pasyente. Halimbawa, kung malalim ang butas ng ngipin at maaring mag-inject ng anesthesia kinalaunan, ipaalam ito sa pasyente. Hindi iyong gugulantangin mo na lang yung pasyente na may hawak kang hiringgilya sabay halakhak ng “Mwahahahaha!!!!” Maaring sabihin sa pasyente na mas hindi sya magiging kumportable na may nararamdamang ngilo habang hindi pa tapos ang paglalagay ng pasta kesa panandalian na kirot mula sa injection.

3. Huwag gawing panakot ang “dentista,”bunot” at “injection.”

Para ito sa mga magulang ng ga bata na magiging first-timers pa lamang sa dentista. Hindi po kami moo-moo para ipantakot sa mga anak ninyo. Pasensiya na po sa mga ilang magulang diyan, pero minsan kayo din ang gumagawa ng sarili ninyong multo. Sa pananakot sa inyong anak sa pagbunot ng ipin o pagpunta sa dentista, dito nadedevelop ang phobia ng bata at tiyak na kayo rin ang mahihirapan magkumbinsi sa kanila na magpadentista pag kinakailangan na.

Mainam na pagsabihan din ang mga kasambahay, yaya at mga kapatid ng inyong anak na wag takutin ang bata sa dentista. Kapag narinig nyo na sinabi ng kalaro ng anak nyo na “Naku bubunutan ka ng ngipin ng dentista gamit ang plais! Masakit yun!” Pwede mong sabihin na hindi naman lahat ng batang pumupunta sa dentista ay binubunutan agad. At hindi rin lahat ng bunot ay masakit. Tapos tawagin ang batang nananakot sa anak mo at kutusan ng paulit-ulit habang walang ibang nakatingin.😀

4. Magpa-check up sa dentista habang maaga pa para maiwasan ang pagkalala ng kondisyon sa ngipin

Applicable ito sa mga bata at matatandang adult na pasyente. Habang maaga pa at wala pang malalang problema sa ngipin, dalhin na ang bata sa dentista para sa check-up o cleaning at fluoride nang maging maganda ang unang experience nito sa dentista. Diba sabi nga nila, “First impressions last?” E kung ang unang impression ng bata sa dentista e parang berdugong tagasintensya ng mga bulok niyang ngipin e good luck kung mapabalik mo pa ito ulit sa dental clinic.

Sa mga nakakatanda, magandang magpa-dental check-up ng regular para maagapan ang anumang magiging problema sa ngipin. Ang regular na pagpapalinis ng ngipin, halimbawa, ay mainam para maiwasan ang pagkasira ng ipin. Ang madalas na pag-check up ng ngipin ay nakakatulong naman para makita agad ang mga maliit na sira at butas ng ipin.

Ang mga maliit na butas ng ngipin kasi ay madaling lagyan ng pasta at hindi na nangangailangan ng matagal na paggamit ng dental drill. At dahil maliit at mababaw lang ang sira, hindi na kailangan ng injectionan ng pampamanhid.

Ilan lang ito sa mga paraan para maiwasan ang pagkakaroon ng phobia sa dentista. Maaring madagdagan pa ang mga tips na ito sa mga susunod kong post.

6 responses to “Phobia sa Dentista

  1. Ang dentistang babae hindi kinakatakutan…minamahal

  2. Hello po. I’m planning to have my braces na po. Sabi po ng dentist na pinagpa check up-an ko eh upper lang daw ung I brace Nya kasi Wala problem sa lower teeth ko. Possible po ba un? And may ngipin po Ako na bulok I mean may butas, kelangan ba talaga bunutin or kahit pasta Lang? Thanks

  3. hi,ask q lng po im olmost 3wiks preggy den nagpabunot po aq after q po nagpabunot xaka q lng. alaman n pregy n pla aq ano po b possible effectxa baby,as of now di aman po aq nagbleed or anything unconcious,ndi din po aq minom ng gmot n nirecta ng dentist xaken,i’ll wait for youre reply,,tnx🙂

  4. emmy reyes kikuchi

    hi good day po, ask ko lng po sana kc yon anak ko takot s injection, gusto kong cya pabunutan ng ngipin dhil tumubo n yon permanent toot nya. Meron po bng ibang praan pra sa anestisia n hnd injection? maraming salamat po.

  5. Patulong naman po .. Gusto ko po magpabunot pero takot ako sa injection .. Ano po gagawin ko? .. Tsaka gaano po ba kahaba ung ipapasok na krayom? Salamat

  6. Ilang days bago mag pa pustiso ang bagong bunot pwede ba pustisohan dalawang bungi

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s